BREAKING NEWS

Carwash Boy Noon, Nagsikap Para Makapagkolehiyo, Top 9 sa Criminology Licensure Exam!



"Pray, read, repeat" ang sekreto ni Daniel Sarabia mula Laoag City nang pinaghahandaan niya ang Criminology Licensure Examination noong Disyembre. Kuwento ni Sarabia na simula high school hanggang college ay nagtrabaho siya bilang carwash boy. Aminado si Sarabia na easy-go-lucky siya sa pag-aaral noong high school.




"Namuhunan po ako ng maraming panalangin. Panalangin po talaga. Tsaka tiwala sa sarili para sa goal,"

"Hind sumuko si mother sa akin. Hindi niya ako sinusukuan, naging motibasyon ko 'yon,"

"I am not an honor student nor an outstanding student dati. Five years po ako nag high school,"

"Nagkaron kami ng problema sa pamilya nag rebelde ako, nakipagsagutan ako sa mga Teacher ko dati, nadismiss ako, at huminto ako ng pag-aaral,"




"Maraming challenges finacially at sa family. Dumating din po ako sa point na nag stop ako sa pag-aaral pero hindi ako sumuko at patuloy akong nagpursige,"

"Very thankful po ako number-1 kay God, sa pamilya ko, sa lahat ng naniwala at sa mga nagbigay po ng suporta."

Para madisiplina ay pumayag siya sa gusto ng nanay na subukang pumasok bilang carwash boy. Ginawa niya rin ito para makatulong sa mga gastusin ng pamilya. Payo ni Sarabia, hindi hadlang ang kahirapan at mga kasawian sa buhay para makamit ang mga pangarap. Aniya, lumaban at pagbigyan ang sariling muling bumangon at magbago para sa mga minimithi.

Source: Noypi Ako
Carwash Boy Noon, Nagsikap Para Makapagkolehiyo, Top 9 sa Criminology Licensure Exam! Carwash Boy Noon, Nagsikap Para Makapagkolehiyo, Top 9 sa Criminology Licensure Exam! Reviewed by pinoyako on May 15, 2022 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close