BREAKING NEWS

Tsismosang Kapitbahay na Mahilig Manira ng Puri, Anong Kasö ang Maaaring Isampa?



Mahilig ang mga Pinoy sa mga masasayang kwnetuhan lalo na kung komportable sila sa kanilang kausap. Ngunit may isang kaugalian ang ilan sa atin na hindi maganda at kaaya-aya, ito ay ang pagiging tsismoso at tsismosa. Ang chismis ay isang uri ng komunkasyon sa dalawa o higit pang tao na nag-uusap tungkol sa hindi totoong ulat, gawa-gawa at walang batayan.




Isang netizen naman ang dumulog kamakailan sa "Sumbungan ng Bayan" upang manghingi ng legal na payo kung ano ang maaaring i-kaso sa isang kapitbahay na bukod sa tsismosa ay naninira pa umano ng pagkatao.

Ayon sa paliwanag ni Atty. Rowena Daroy Morales, mayroon umanong "simple" at "serious" na krimën sa oral defamation na maaaring isampang kaso laban sa mga tsismosa tao o mahilig gumawa ng kwento.





Ang 'simple oral defamation' ay ang paninirang puri kung saan hindi gaanong seryoso ang paninira laban sa isang tao na maaari pang ayusin sa barangay. Habang ang 'serious oral defamation' naman ay mas mabigat na akusasyon sa isang tao. Kabilang dito pagsasangkot sa isang tao sa krimën tulad ng estafa o pagkitïl ng buhay ng tao.




"Whether it's serious or grave, may danyos po. Puwede pong humingi ng danyos. At ang danyos ay depende sa kung ano ang naging epekto ng pagsisinungaling o oral defamation o paninira sa'yo," paliwanag ni Atty. Morales sa netizen.

Maaarin ring umano maging witness ang sarili kapag direktang sinabihan mismo ng paninira ng isang tao, o maaari siyang humingi ng tulong sa mga testigo.

Narito ang video:



Source: Noypi Ako
Tsismosang Kapitbahay na Mahilig Manira ng Puri, Anong Kasö ang Maaaring Isampa? Tsismosang Kapitbahay na Mahilig Manira ng Puri, Anong Kasö ang Maaaring Isampa? Reviewed by pinoyako on July 11, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close