BREAKING NEWS

Bulag na Lolo, Bubong Lamang ang Nagsisilbing Tahan; Tinulungan at BInigyan ng Isang OFW ng Bagong Tahanan!



May ilan sa ating mga kababayan ang nakakaranas ng matinding kahiråpan kaya naman ang iba sa kanila ay naninirahan sa kalye o kung hindi naman ay sa maliit at masikip na barung-barong. Maswerte ang iba sa atin dahil may tahanan na may maayos na matutyulugan, may masisilungan sa panahon ng tag-ulan o tag-araw at may komportableng mapagpapahingahan.




Ngunit, hindi ito nararanasan ni Lolo Rogelio Tabangcura, 68-anyos na nakatira sa Baragay Nanerman, Sto. Domingo, Ilocos Sur. Dahil si Lolo Rogelio ay walang sapat na pera upang makapagpatayo ng maayos na bahay, tanging bubong na walang haligi lamang ang nagsisilbi niyang tahanan.

Si Lolo Rogelio ay isang bulag din. Sa edad ni Lolo Rogelio ay dapat may maayos na siyang tahanan at komportable na ang sarili. Mabuti na lamang ay may isang mabuting kalooban ang tumulong kay Lolo Rogelio.





Isang OFW na kinilalang si Krishna Tobia. Nagbigay siya ng tulong kay Lolo Rogelio upang magkaroon ito ng maayos na tahanan.

Tanging ang paminsan-minsan na bigay lamang ang inaasahan ni Lolo Rogelio galing sa kanyang kapatid. Dahil salat din ang kapatid ni Lolo Rogelio, hindi siya magawang bigyan ng maayos na tahanan.




Naglikom si Krishna ng sapat na pera para sa pangbili ng mga materyales sa pangpagawa ng tahanan ni Lolo Rogelio. Tunay ngang may mabuting tao na handang tumulong sa iba lalo na sa mga taong labis na nangangailangan. Sana ay marami pa ang katulad ni Krishna na kahit hindi niya kaanu-an si Lolo Rogelio ay bukas palad niya pa din itong tinulungan.

Source: Noypi Ako
Bulag na Lolo, Bubong Lamang ang Nagsisilbing Tahan; Tinulungan at BInigyan ng Isang OFW ng Bagong Tahanan! Bulag na Lolo, Bubong Lamang ang Nagsisilbing Tahan; Tinulungan at BInigyan ng Isang OFW ng Bagong Tahanan! Reviewed by pinoyako on June 14, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close