BREAKING NEWS

Babae na Nabutis sa Edad na 18-Anyos, Nagpursige na Makatapos ng Pag-aaral!



Minsan, may darating sa buhay natin na hindi inaasahang pangyayari. Minsan ay maganda ang mangyayari sa ating buhay, minsan naman ay hindi. Ngunit sabi nga ng iba, nagyayari ang lahat dahil may dahilan, mapasama man o mapabuti. Lahat ng nangyayari sa ating buhay ay nakatakda ng mangyari, kung ito man ay nakaplano o hindi, ginusto man o hindi.



Isang malaking pagsubok naman ang dumating sa buhay ni Zianne Temedal. Sa edad na 18-anyos ay nagdalang-tao siya habang nag-aaral sa kolehiyo. Isa at kalahating taon na lamang ang kailangan niyang tapusin at makakamit na din niya ang diploma.

Panganay si Zianne sa tatlong magkakapatid. Inaasahan ng karamihan na ang panganay ay isang modelo sa kanyang mga nakababatang kapatid at responsable sa lahat ng bagay ngunit sa kinatatatyuan ni Zianne ay inamin nitong matigas ang kanyang ulo. Minsan pa ay natatawag siya 'black sheep' ng pamilya dahil sa pagiging pasaway nito.


Habang siya ay nasa ikatlong taon sa kolehiyo ay nakaramdam ito ng sintomas ng pagbubuntis. Siya ay kumuha ng kursong Medical Technology sa South Western Technology sa Cebu. Malakas ang kutob niya na siya ay nagdadalang-tao kaya naman naisip niyang magpakonsulta at magpunta sa pinaka malapit na OB-Gyne Clinic.

Hindi nga siya nagkamali at tama ang kanyang hinala. Unang beses din niyang narinig ang heartbeat ng kanyang dinadala ngunit hindi niya malaman kung ano ang kanyang mararamdaman, masaya ba o malungkot. "Naiiyak ako. Hindi ko alam kung tears of joy or sadness," ani niya.

"Pero ang sarap sa pakiramdam pag narinig mo ang first heatbeat ng baby mo," dagdag pa niya. Sa panibagong yugto ng kanyang buhay, kinailangan magdesisyon ni Zianne kung titigil ba siya sa pag-aaral o magpapatuloy. Samantala, naging mas matimbang ang magpatuloy sa pag-aaral kaya ito ang pinili niya.


Buong puso naman na nakasuporta ang kanyang pamilya kaya nakapagtapos siya ng pag-aaral at nakuha na ang diploma na pinapangarap. Katuwang niya ang kanyang magulang sa pag-aalaga sa anak habang siya ay nag-aaral.

Hindi naging madali sa kanya ang pagsubok na ito dahil madalas siya kinukutya ng mga kaeskwela at pinag-uusapan ng iba dahil sa maaga nitong pagbuntis. Lagi naman nakaagapay ang kanyang mga kaibigan sa kanyang pagbubuntis.

"Masakit.. nakakahiya, pero wala na akong pakialam kasi hindi naman sila ‘yung makikinabang sa mga ginagawa ko. Ako at ang baby ko naman ang makaka-benefit sa pag-aaral ko," kwento niya. Sa huli ay inani na niya ang lahat ng kanyang itinanim, nagkabunga ang kanyang pagpupursige sa pag-aaral kahit na naging mahirap sa kanya.



“Regrets are inevitable, so are mistakes. Nagkamali ako pero hindi ibig sabihin ay uulitin ko ito. That one mistake taught me a valuable lesson… Mahirap, pero worth it.” Nagsilibing inspirasyon si Zianne sa mga kabataan na maaga din nagdalang-tao. Huwag panghihinaan ng loob at kailangan maging pursigido sa buhay dahil sa huli, ikaw din ang makikinabang dito.

Source: Noypi Ako
Babae na Nabutis sa Edad na 18-Anyos, Nagpursige na Makatapos ng Pag-aaral! Babae na Nabutis sa Edad na 18-Anyos, Nagpursige na Makatapos ng Pag-aaral! Reviewed by pinoyako on April 07, 2021 Rating: 5

1 comment:

  1. Hello Team,

    I am Lesia from MGID, a leading native advertising network.

    I’m contacting you to offer a beneficial way to monetize Adnet's traffic via our native sponsored content.

    Our APAC team has been successfully launching campaigns on the Filipino market and we have attractive rates there, namely, $1-$2.5 eCPM.

    In addition to our high rates you will get:
    a personal dashboard with detailed and transparent ad performance stats;
    variety of ad solutions to enhance your visitors' experience;
    content promotion of your articles;
    flexible payment terms.

    Shall I send you further details via email or do you prefer to continue in a particular messenger?


    Lesia.diska@mgid.com

    ReplyDelete

Sora Templates

close