Watch | Reporter sa Cebu, Nanampal Di-umano ng Babae na Walang Facemask, Inulan ng Batikos!
Sa panahon ngayon ng pandemya, mahigpit na ipinagbabawal ang hindi pagsunod sa mga safety protocols gaya ng hindi pagsuot ng facemask kapag nasa labas. Layunin ng pamahalaan na pasunurin ang mga tao na sundin ang safety protocols para sa ikaliligtas ng lahat.
Mayroon tayong tinatawag na "New Normal" kung saan nakasuot ng facemask ang mga lalabas ng bahay, nakasuot din ng faceshield, bawal lumabas ang mga bata maging senior citizens, online class at modules na imbis na pumasok sa paaralan, at marami pang iba na nagsasagawa ng pag-iwas sa såkit na C0VID19.
Sa kalagitnaan naman ng raid ng PDEA, isang reporter sa Cebu ang di-umanong nanampal ng isang babae matapos na hindi ito nagsuot ng facemask. Makikita sa video kung paano sinampal ng reporter na si Benjie Talisic sa isang babae.
Huling-huli sa CCTV ang kanyang ginawang pananampal, ilang kabataan din ang nakasaksi sa pangyayaring ito. Karamihan naman sa mga netizens na nakapanood ng video ay gigil na gigil dahil wala daw karapatan si Talisic na gawin iyon sa kanyang kapwa kahit pa ito ay lumabag sa safety protocols na ipinatupad ng gobyerno.
Nagbigay naman ng saloobin sa pamamagitan ng Live sa Facebook si Talisic sa wikang Cebuano. Humingi siya ng kapatawaran sa kanyang nagawa ngunit binatikos pa din ito ng mga netizens dahil di-umanong pinagtatanggol pa niya ang kanyang sarili. Ayon sa netizens ay mabuti na lamang daw at may CCTV na may katibayan sa ginawa ng reporter kung hindi daw ay makakalimutan na lamang ng mga tao ang ginawa nito.
Source: Noypi Ako
No comments: