Retired Col. Bonifacio Laqui Bosita, Binalaan ni MMDA Traffic Operations Chief Edison Bong Nebrija na Maghanda na ng Abogado
Sa ngayon ay pinag-aaralan na ng MMDA o Metropolitan Development Authority ang pagsasampa ng reklamo laban kay retired Colonel Bonifacio Laqui Bosita dahil umano sa pangingialam nito sa mga traffic enforcer. Nakilala si Bosita, founder ng Riders' Safety Advocates of the Philippines, dahil sa pagtulong nito sa mga rider na nahuhuli ng mga traffic enforcer.
Bagamat tumutulong si Bosita sa mga rider, hindi naman nagustuhan ng MMDA Traffic Operations Chief na si Edison Bong Nebrija ang panghihimasok umano ni Bosita sa trabaho ng mga enforcer. Ayon pa kay Nebrija ay walang karapatan na mangialam si Bosita sa trabaho ng mga traffic enforcer.
"Ilabas mo ang batas na nagtatalag sa'yo ng kapangyarihan na pagbayarin ang enforcer namin ang isang araw na sweldo ng hinuli nila, baka usurpation of authority ka boy para iutos at ipilit sa enforcer namin 'yan." Pahayag ni Nebrija sa Facebook post nito.
"Kung may problema ka sa huli namin bilang dating pulis at myembro ng HPG alam mo dapat sa adjudication nireresolba 'yan at wala kang karapatan pakialaman huli ng enforcer namin. Kapag mali enforcer namin yaan mong yung hearing officer maresolution nyan at 'di ikaw. Eh kung gusto mong maghearing officer, eh mag apply ka sa MMDA at 'di 'yung nagpapasikat ka sa Youtube. Marami ka bang views? Malaki na ba kita? Pangpondo na sa eleksyon? Dapat din daw ay mag apply itong hearing officer ng MMDA kung gusto niya talagang makatulong at hindi idaan sa kanyang mga vlogs ang 'pagpapasikat'." Dagdag pa ni Nebrija. Sa ngayon ay mayroon ng 282k Subscribers at umaabot na ng milyon ang views sa Youtube si Bosita.
"Huwag mong gamitin ang mga pobreng enforcer namin sa pamumulitika mo. Ginagamit mo lang ang riding community para sa political advancement mo, pwede ba?"Source: Noypi Ako
No comments: