BREAKING NEWS

Nakakamangha! Si Miedes ay Top 8 Physician Licensure sa Board Exam ngayong 2021 at MedTech Board Exam Topnotcher din noong 2014!



Nakakamangha ang bagong lesensyadong doktora na si Jannie Leah Prieto Miedes. nag-aral si Miedes sa Davao Medical School Foundation sa Davao City.

Mapapabilib ka talaga kay Miedes dahil Top 8 lang naman siya sa Physician Licensure Exam ngayong Marso 2021 na may rating na 87.0%.

Sa hirap na makapasa dito ay hindi niya aakalain na hindi lamang niya mapapasa ang Licensure Exam, kung hindi ay mas higit pa dito ang lalo niyang hindi inasahan. Ayon kay Miedes, nang makapasa siya sa MedTech Board Exam noong taong 2014 ay naging topnotcher siya, hindi din niya inasahan na magiging top 7 siya.



"I was pleasantly surprised! I really didn’t expect it! I was actually just praying to pass because I really found the exams difficult. I topped the boards for medical technology back in September 2014, but it was different. I didn’t expect to top that exam before as well, but I was confident enough to say I would surely pass," kwento pa ni Miedes.


“They say you should start studying for the board when you start med school. It’s real! Maybe even before that. You wouldn’t appreciate that statement until you take the boards. Because when the questions become difficult, not tackled in your review, pops out of nowhere, it will all come down to what you really learned in pre-med, med school, and in the hospitals,” dagdag pa niya.

Sa kanyang pagiging topnotcher sa dalawang mahihirap na exam ay pinayuhan niya ang mga estudyante at kabataan ngayon na mag-aral maigi hindi lamang para maipasa ang exam o maging isa sa topnotcher, dapat ay maging handa din sa "real world" lalo na sa pagiging doktor dahil importante ang tungkulin ng mga doktor ngayon lalo na at sila ang frontliners ngayong pandemyå.
Source: Noypi Ako
Nakakamangha! Si Miedes ay Top 8 Physician Licensure sa Board Exam ngayong 2021 at MedTech Board Exam Topnotcher din noong 2014! Nakakamangha! Si Miedes ay Top 8 Physician Licensure sa Board Exam ngayong 2021 at MedTech Board Exam Topnotcher din noong 2014! Reviewed by pinoyako on March 22, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close