Mag-Asawang Magsasaka, Napagtapos ang 8 Anak sa Kolehiyo
Mag-asawang magsasaka itinaguyod ang walong anak sa pag-aaral at nakapagtapos umano lahat ito ng kolehiyo at may kanya-kanyang propesyon.
Ayon sa post ni Jovy Cataraja-Albite ay ibinahagi nya ang pagsisikap ng kanyang Ama at Ina sa pagsasaka upang mapagtapos silang walong magkakapatid sa kolehiyo.
Lubos ang pasasalamat ni Jovy sa kanyang mga magulang dahil kahit hirap sila sa buhay ay hindi sila pinabayaan ng mga ito na hindi makapatapos sa pagaaral.
Ayon sa ibinahaging post sa Facebook, si Jovy ang panganay sa kanilang walong magkakapatid at isa din siya sa nagsilbing pangalawang ina at gumabay sa kanyang mga nakababatang kapatid.
Kwento ni Jovy, minsan na raw umano siyang pinanghinaan ng loob dahil na rin sa hirap ng buhay, ngunit laking pasasalamat nito noong pinilit na magpursigi ng kanyang mga magulang sa pagsasaka kung kaya naman sabay-sabay nilang naabot ang kanilang mga pangarap.
Si Jovy ay isa na ngayong lisensyadong nurse at ang limang mga lalaking kapatid nito ay isa ng police, architect, marine, civil engineer at nautical, habang ang dalawang babae naman ay accounting staff at teacher.
Nakakatuwang isipin na lahat silang magkakapatid ay nakapagtapos ng pagaaral at pawang mga propesyonal na ngayon ng dahil sa pagsisikap ng kanilang mga magulang sa pagsasaka.
Ang kwento ng pamilya nila Jovy ang patunay na hindi hadlang ang kahirapan ng buhay upang hindi pagtagumpay sa mga pangarap basta may pagtutulungan sa bawat pamilya at mayroong pananalig sa Diyos ay pasasaan pa't makakamtan din ang ginhawa.
Ito ang Post ni Jovy sa kanyang FB Account,
"Wala q kahibaw onsaon pag sugod pero salamat aning duha ka tao (mama and papa) nga bisan sa kalisod nga atong na agian sa kinabuhi wala mi ninyo pasagdi. Thank you for believing in us and for not giving up on our dreams.
"I saw how hard life has been for us specially during my college days. There were times when I wanted to give up but I know what I want in life and that I wanted to help my siblings too.
Being the eldest of the family is not easy and standing as the second mom of my siblings is even the hardest but I tried. Thank you for pushing me those times when I wanted to give up. Bisan sa kalisod sa kinabuhi, bisan pa ug mag uuma(farmers) rata dungan natong gikab.ot ang among mga damgo. Tan.awa inyong walo (8) ka mga anak mga professionals na.
On the 1st day of december licensed napod atong kamanghuran. Kinsa ba ang mag dahom nga makab.ot nato ang atong mga damgo nga niabot man ta sa times nga wala na gani hapit makaon sa pang adlaw2. Pero tinood jud d i nga dili babag ang kakabus para makuha ang kalampusan. Everytime mo simba q ug maka dungog q ani nga kanta ( ang gugma sa dios walay sama) dili jud q maka pugong nga mo tulo akong luha because all those times nga wala nako kabalo asa ta padong aq ra gihangad sa ginoo ang tanan (dool kaniya kay mamati siya) ug tinood man gihatag niya ang atong mga pag ampo. Pray, work, believe and it will be given unto you.
Thanks to everyone who were there to support us during the hardest times of our life. We are blessed beyond words. Thank you is not enough for our family, relatives and friends who never get tired of helping us. It's payback time now(dears parents).May our story be an inspiration to others for not giving up on their dreams...PROFESSIONALS nami tanan walo mi kabook ug proud mi nga FARMERS among parents."
Source: Noypi Ako
Mag-Asawang Magsasaka, Napagtapos ang 8 Anak sa Kolehiyo
Reviewed by pinoyako
on
March 12, 2021
Rating:
No comments: