BREAKING NEWS

Kuya Wil, Hinihikayat ni Pangulong Duterte na Magsilbi sa Bayan sa Darating na Eleksyon 2022



Si Wilfredo Buendia Revillame o mas kilala bilang Willie Revillame ay matagal ng TV Host sa iba't-ibang channel. Sa kasalukuyan ay tumutulong siya sa mga kababayan natin sa pamamagitan ng programang Tutok-to-Win na maraming iba't-ibang malalaking sponsors.

Kilalang-kilala si Willie Revillame dahil sa pagtulong nito sa ating mga kababayan na lubos na nangangailangan. 

Ngunit, ito na ba ang oras niya para pumasok sa politika? Sa tagal niyang naging TV Host ay ito na ba ang tamang panahon upang magsilbi siya sa bayan sa pamamagitan ng pagtakbo sa darating na Eleksyon sa 2022?


Naging maiinit ang isyu na ito dahil sa pagdalo ni Willie Revillame sa isang pagpupulong kasama si Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Christopher "Bong" Go. May ilang larawan nila ang lumabas sa mga pahayagan at tila naki "DU30 Fist" pa si Willie Revillame.


Inalok din ni Pangulong Duterte na tumakbo sa mataas ng posisyon sa Gobyerno si Willie Revillame upang makapaglingkod sa bansa. Sumagot naman si Willie Revillame na "pag-iisipan" niya ang inaalok sa kanya ni Pangulong Duterte.




Ibinunyag naman ni Direk Dinky Doo noong 2018 na malaki ang tiyansa na tumakbo si Willie Revillame. "Actually kina-campaign ko na din siya, kasi kina-campaign ko na siya sa Marawi, sa Mindanao. Naniniwala kasi ako sa kanya na kailangan niya na tumakbo. Kasi madami na siyang pera, kasi hindi na siya magko-corrupt, di ba?" Ani pa ni Direk Diky Doo.

Source: Noypi Ako
Kuya Wil, Hinihikayat ni Pangulong Duterte na Magsilbi sa Bayan sa Darating na Eleksyon 2022 Kuya Wil, Hinihikayat ni Pangulong Duterte na Magsilbi sa Bayan sa Darating na Eleksyon 2022 Reviewed by pinoyako on March 19, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close