75-Anyos na Lolo, Nagtitinda ng Nilagang Saging Kahit Basang-Basa sa Ulan para sa Kanyang Pamilya
Isang Lolo ang patuloy na kumakayod kahit basang-basa na sa ulan para sa kanyang pamilya.
Ayon sa post ni Karen Juliano-Jimenez, isang matandang 75-anyos ang hindi tumitigil sa pagta-trabaho para sa kanyang pamilya kahit umuulan at may pandemya.
Talaga umanong masipag si Lolo dahil mula 2010 ay nakikita na nilang nagtitinda ito ng nilagang saging at mais.
Ayon pa umano kay Jimenez, kung makikita ninyo si Lolo around Pembo ay bumili kayo ng paninda nito dahil malaking tulong na kay Lolo kapag naubos ang kanyang paninda para maka-uwi na agad at makapagpahinga.
Sana may mga mabubuting tao na may kakayahang tumulong at Pamasko na lang kay Lolo para kahit papaano ay may mapapagsaluhan ang kanyang Pamilya.
Narito ang kabuuamg post ni Karen Juliano-Jimenez sa kanyang Fb account,
75 yrs old na si tatay pero hindi tumitigil magtrabaho para sa pamilya. Kahit umuulan at may pandemya, tuloy ang paglalako nya😥 simula 2010 ata nung una ko nakita si tatay sa staffhouse nagbebenta ng nilagang saging at mais. Pls kung makita nyo sya dito around sa Pembo, bili kau ng paninda nya. Para makauwi sya agad at makapahinga.
May God bless and keep you safe always tatay🙏🏻
Source: Noypi Ako
75-Anyos na Lolo, Nagtitinda ng Nilagang Saging Kahit Basang-Basa sa Ulan para sa Kanyang Pamilya
Reviewed by pinoyako
on
December 11, 2020
Rating:
No comments: