Sa edad na 30 Taong Gulang Nagtapos Bilang Isang Magna Cum Laude Stephen Rey.
Pinatunayan nga ni Stephen na sa pamamagitan ng kanyang pagiging sipag at determinasyon, ay mararating mo ang tagumpay na hinahangad mo kahit pa maraming mga pagsubok o hadlang na maging balakid sayo.
Sa naging matagumpay na pagtatapos niyang ito, sa kabila ng ilang taon din niyang naging pag-aaral sa kolehiyo ay ibinahagi ni Stephen Rey ang kanyang nakakainspire na kwento at mga pinagdaanan upang maging matagumpay ang pagtatapos niyang ito.
“After working in BPO industry for almost 7 years, I decided to go back to school, to finish my education. I was 26th at that time”, saad ng binata sa isang panayam niya sa Manila Bulletin.
Ayon nga sa naging panayam ng Manila Bulletin kay Stephen, ilang taon munang nagtrabaho ang binata sa BPO bago ito muling nagpasya na bumalik sa kanyang pag-aaral, upang matapos ang kanyang kolehiyo.
“Since I’m working in the BPO industry, my first choice is to take up Business Management. But after seeing it’s curriculum, I ask the admission if they can offer me a course that had a few numbers’ then they recommended AB Communication.”
Ibinahagi rin ng binata, na sa una ay hindi ang Bachelor of Arts in Communication ang talagang nais niyang kurso, kundi mas nais niya umano noong una ang kursong maari niyang magamit sa kanyang trabaho sa BPO at ito ay ang Business Management.
Pero dahil sa nakita niya na maraming numero dahil sa math ang course curriculum nito, ay humingi siya ng payo sa admin ng paaralan at ang Bachelor or Arts in Communication nga ang ini-offer nito sa kanya.
Kahit pa nga ba hindi ang unang kursong nais niya ang natapos ni Stephen Rey, ay hindi naman pinagsisihan ng binata ang pagkuha sa kursong AB Communication dahil dito ay nagawa niyang makapagtapos ng Magna Cum Laude na naging isang inspirasyon para sa maraming mag-aaral at mga tumigil sa pag-aaral ang kwento niyang ito.
Ibinahagi rin ni Stephen na kabila ng layo ng agwat niya sa kanyang mga kaklase ay hindi siya nakaranas ng diskriminasyon mula sa mga ito, bagkus ay tinatawag pa siya ng mga ito na “Kuya”, na tanda ng paggalang at respeto sa kanya bilang nakakatanda siya sa kanilang klase.
Ang kwentong ito nga naman ni Stephen ay isang inspirasyon, dahil kung talagang may pangarap kong makapagtapos at magkaroon ng diploma, kahit gaano pa kahirap ang buhay o kadami ang iyong ginagawa ay hindi ito magiging hadlang upang hindi mo matupad ang diploma ng iyong pinapangarap.
Source: Noypi Ako
Sa edad na 30 Taong Gulang Nagtapos Bilang Isang Magna Cum Laude Stephen Rey.
Reviewed by pinoyako
on
November 10, 2020
Rating:
No comments: