BREAKING NEWS

Minamaliit na Kargador Noon, Ganap ng "Doctor of Education" Ngayon



Isang lalaki ang minamaliit noon dahil isa lamang syang kargador, ngayon ay nakapagtapos na ng kolehoiyo at ganap ng "Doctor of Education".

Isang napakagandang halimbawa si Jonny Viray na ngayon ay isa ng ganap na "Doctor of Education". Ibinahagi niya ang nakakamangha niyang kwento sa DepEd Open Educational Resources (OER), isang grupo sa socila media platform na Facebook.


Lumaki si Viray sa isang mahirap na pamilya at hindi tulag ng ilan niyang kamag-aral at kaibigan ay hindi nila naranasang magdiwang ng kaarawan o kahit anong okasyon dahil wala silang kakayahang bumili ng mga espesyal na pagkain.

Kahit na pansit ay hindi sila makapaghanda ng makapagtapos sya ng high school bilang isang Salutatorian.

Mabuti na lang ay mayroon syang isang kaklaseng naghanda kaya naman doon na lamang siya nakikain. Noong nasa Elementarya naman si Viray ay madalas umanong lugaw lang ang kanyang binibili sa halagang P2 dahil ito lang ang baon niya.


Nang tumuntong ng High School si Viray ay mas naging mahirap ang kanilang pamumuhay dahil wala talaga silang pera at pagkain kaya sinikap niyang mag-aral ng mabuti upang makapagtapos at maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan.

Dahil umano sa walang pera at minsan ay hindi nakakakain si Viray ay nahihimatay ito sa gutom. 

Gusto na umanong sumuko si Viray sa pag-aaral dahil sa hirap ng buhay ngunit tumatak sa isip nya ang sinabi sa kanya ng isa niyang Guro.


"Kung titigil ka kase gutom ka, lalo kang magugutom bukas kung hindi ka mag-aaral, may pag-asa pa"- pahayag sa kanya ng kanyang Guro.

Kalaunan ay pumasok si Viray bilang kargador sa pantalan para mapagpatuloy nya ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo at nakapagtapos siya bilang Cum Laude sa kursong Education.

Kumuha si Viray ng "Master of Arts in Education Major in Educational Management" sa Don Honorio Ventura Technological State University at kinumpleto nya doo ang kaniyang "Doctor of Education" at ngayon ay ganap na siyang Doktor ng Edukasyon.

Source: Noypi Ako
Minamaliit na Kargador Noon, Ganap ng "Doctor of Education" Ngayon Minamaliit na Kargador Noon, Ganap ng "Doctor of Education" Ngayon Reviewed by pinoyako on November 13, 2020 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close