Lola, Namumulot ng Palay sa Bukid para lang may Makain
Isang Lola ang namumulot ng tira-tirang palay sa bukid para umano may makain.
Paahon sa gitna ng bukid si lola Rosita Corpuz 75, residente ng barangay Sinulatan, Guimba, Nueva Ecija matapos mamulot ng tira-tirang palay na naiwan ng makinang combine reaper-harvester.
Isa si Lola Rosita sa mahigit 100 beneficiaries ng SAP o Social Amelioration Program sa barangay Sinulatan na hindi nakakuha ng ayudang P6,500 sa second tranche hanggang sa kasalukuyan.

Ayon kay lola Rosita, namumuhay siyang mag-isa, obligadong maghanap ng makakain para mabuhay, ang inaasahang SAP 2 ay pambili sana ng bigas at maintenance na gamot pero wala pa siyang natatanggap.
Alas 7:00 ng umaga, lumulusong na sa bukid si Lola Rosita, bitbit ang lingkaw, nakatali naman sa bewang ang sakong lalagyan ng mapupulot na palay at dala-dala na rin ang baong pagkain sa pananghalian.
Pagsapit ng 5:00 ng hapon, palubog ang sikat ng araw, pauwi na si Lola Rosita, sunung-sunong nito ang mahigit 5 kilong palay na naipon sa pamumulot at pagdating sa bahay, kahit na pagod, matiyagang ginigiik sa paa.
Nakaipon na ng 2 kabang palay ang matandana ipapakikikis para maging bigas.
Sa katulad ni Lola Rosita na isang mahirap o indigent, priority sana ito sa social pension ng mga senior citizen ngunit hindi pa rin kasali sa listahan ng 1,000 nagpepension sa Guimba.
Sa datos ng OSCA, nasa 10,000 ang mga Senior Citizen sa 64 na barangay ng bayan ng Guimba.
Source: Noypi Ako
Lola, Namumulot ng Palay sa Bukid para lang may Makain
Reviewed by pinoyako
on
November 06, 2020
Rating:
No comments: