BREAKING NEWS

Lalaking Namaril ng HPG sa Cavite, Dati na palang Inireklamo sa Panunutok ng Baril sa Isang Babae


Dati na umanong inireklamo ang lalaking namaril sa HPG sa Cavite dahil sa panunutok nito ng baril sa isang babaeng sibilyan.

Nitong nakaraang mga araw, namatay ang isang miyembro ng PNP-Highway Patrol Group na si Police Chief Master Sgt. Julius Arcalas matapos mauwi sa engkuwentro ang isinagawang checkpoint sa Cavite City nitong Biyernes ng hapon.


Napatay rin ang isa sa mga suspek na si Methusael Cebrian na asawa ng isang Philippine Navy Officer.

Matapos ang insidente, napag-alaman na hindi lang pala ito ang unang beses na kaso ni Methusael Cebrian.

Dahil isang video ang lumitaw na kuha pa noong 2016 kung saan nagtredning din si Cebrian at nasampahan ng kaso.


Sa naturang video, makikita ang paglalabas nito ng baril habang patuloy na sinisita ng mga taong makikita din sa kuhang video.

Maririnig dito ang kanilang saad na kahit mayroong pinapairal na ‘gun ban’ nang mga panahong iyon ay walang katakot-takot na naglabas ng baril si Cebrian at nanakot.


Gun ban (Omnibus election Code) Grave threat at RA 7610 (Violence against women and children) ang mga kasong inireklamo sa kanya.

Matapos niyang magsigasigaan dahil Philippine Navy ang asawa niya at walang takot na nagdala ng loaded na baril kahit na may gun ban at pinantutok sa dalawang mag-inang sibilyan.

Gayunpaman, ngayong taon ay nasawi rin siya sa kakadala niya ng baril

Source: Noypi Ako
Lalaking Namaril ng HPG sa Cavite, Dati na palang Inireklamo sa Panunutok ng Baril sa Isang Babae Lalaking Namaril ng HPG sa Cavite, Dati na palang Inireklamo sa Panunutok ng Baril sa Isang Babae Reviewed by pinoyako on November 11, 2020 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close