BREAKING NEWS

Lalaking Isinama sa Maynila Upang Mag-Trabaho, Iniwan ng mga Kasama at naging Palaboy



Isang lalaki ang gustong umuwi sa kanilang lugar matapos siyang isama sa Maynila para magtrabaho ngunit iniwan lang siya ng mga kasama niya.

Ayon kay Sumea Grace, nakita nya si Tatay Alfred Dela Cruz na iika-ika kaya binigyan nya ito ng pagkain at napag-usapan nila ang buhay nito at kung ano ang nangyari dito.


Ayon kay tatay ay taga Malayan City, Nueva Ecija sya at isinama lang sya dito sa Maynila upang maghanap ng trabaho ngunit ng magising sya sa apartment na kanilang tinuluyan ay wala na ang mga kasama niya at iniwan lang ito ng walang pasabi.

Humihingi umano ng tulong si Grace upang matulungan si Tatay na makuwi na sa Nueva Ecija.

Narito ang kabuuang post ni Sumea Grace sa kanyang Fb account,

Hi guys, siya po si Tatay Alfred Dela Cruz. Nakita ko siya na paika-ika maglakad. Nagooffer ako sa kanya ng food at nakapag kwentuhan kami. Nais niya na pong umuwi sa Malayan City, Nueva Ecija. Bilang parte ng aming project ngayong buwan, nais po naming humingi ng tulong sa inyo para matulungan si tatay.

Isinama po siya sa dito sa Maynila para magtrabaho. Natulog sila sa isang apartment at pagkagising niya, wala na Yung kasama niya. Iniwan na lamang siya.

Sa ngayon po ay makikita siya sa Lagro Qc. Kapag nakita ninyo, kahit konting pera, pagkain o gamot makapag abot kayo. Malaking bagay na po para sa kanya.

Sana maging bahagi kayo ng proyekto ng ito.

Any amount po para sa pagpapanimula ng buhay ni tatay sa pag-uwi niya sa Probinsiya

Gcash: 09155956172

Pakishare na rin po upang makarating sa kanyang mga kamag-anak.

Nais niya na daw pong makauwi.

Nangako po ako nababalikan ko siya nextweek.

As of now may 350 pesos na po na nagdonate para sa kanya. Salamat po


Source: Noypi Ako
Lalaking Isinama sa Maynila Upang Mag-Trabaho, Iniwan ng mga Kasama at naging Palaboy Lalaking Isinama sa Maynila Upang Mag-Trabaho, Iniwan ng mga Kasama at naging Palaboy Reviewed by pinoyako on November 06, 2020 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close