Gurong may Malasakit sa Kanyang mga Estudyante, Viral sa Social Media
Isang Guro ang nagmalasakit sa kanyang estudyante matapos mabasa ang module nito na unahin iligtas ang sarili dahil napapalitan naman umano ang module.
Nakakapanlumo ang mga sunod-sunod na mga dagok na nangyayari dito sa ating bansa, kung saan patuloy parin ang ating pakikipaglaban sa mga pagsubok dulot ng pandemya at ang magkakasunod na pagpasok at pananalasa ng malalakas na bagyo.
Viral ngayon sa social media ang post ng isang guro na si Majie Cartajena tungkol sa kung paano niya sinagot ang kanyang estudyante habang pinasok ng tubig baha ang loob ng kanilang bahay.
Sa larawang ibinahagi ng gurong si Cartajena makikita ang sitwasyon ng bahay ng kanyang mag-aaral, kulay putik na tubig ang unti-unting umukupa sa sa loob nito.
Sa nakakatakot na sitwasyon, ikinalulungkot na ipinaalam ng kanyang estudyante na inalon at nabasa ang mga module nito.
"Ma'am ianalon po module ko...Basa,"
Pumukaw ng atensyon sa mga netizen ang naging sagot ni Cartajena sa sitwasyon ng kanyang estudyante, at sinabi nitong unahin munang iligtas ang kanilang mga sarili sa baha at wala na siyang pakialam kung ano mang mangyari sa mga modules nito.
"Wala akong pakealam sa module niyo kung mabasa. Masmahalaga kaligtasan nyo. Unahin niyo muna sarili at pamilya nyo,"
"Napapalitan yang mga modules kayo hindi,"
Pinatunayan ng batang ito na kahit pa sa anong pagsubok dumating, hinding-hindi niya parin nakakalimutan ang ipagpapatuloy ang kanyang pag-aaral at abutin ang pangarap.
"Di ko alam mararamdaman ko muang inisip pa ng bata na to sasabihin ko kasi nabasa module nya," dagdag pa ng guro.
Marami sa ating mga kababayan ang labis na naaapektuhan at nalubog sa baha ang mga kabahayan at ang kanilang mga pangkabuhayan. Ngunit kahit pa sa anong pagsubok nanaig padin ang pakikipagtulungna at bayanihan sa ating mga Pilipino.
Narito ang kabuuang post ni Majie Cartajena sa kanyang FB account,
Wala akong pakealam sa module nyo kung mabasa.. Masmahalaga kaligtasan nyo.. Unahin nyo muna sarili at pamilya nyo..
Napapalitan yang mga modules kayo hindi.
Photo Courtesy: Majie Cartajena
#StaySafe
Tama na po.. 🥺
Di ko alam mararamdaman ko mukang inisip pa ng bata na to sasabihin ko kasi nabasa module nya eh. 🤦♀️🤦♀️
Kid wala akong pakealam sa module mo.. Iligtas mo sarili mo at pamilya mo kesa dyan sa module mo.
Source: Noypi Ako
Gurong may Malasakit sa Kanyang mga Estudyante, Viral sa Social Media
Reviewed by pinoyako
on
November 15, 2020
Rating:
No comments: