BREAKING NEWS

Mark Herras sa crying video: Wag kayong t*nga! Wag ako mga inutil!

Mark Herras sa crying video: Wag kayong t*nga! Wag ako mga inutil!
Mark Herras

GALIT na galit ang aktor at dancer na si Mark Herras sa mga nagsabing dahil sa kawalan ng trabaho kaya siya nag-iiyak sa isang video.

Nag-viral ang ipinost na video clip ng Kapuso star sa Facebook kung saan makikita siyang tila balisa at may pinagdaraanang matinding problema.

Sa isang bahagi ng video ay napaiyak nga si Mark na umani ng samu't saring komento at espekulasyon mula sa mga netizens.

Makalipas ang ilang araw pagkatapos pagpiyestahan ang kanyang crying video ay nagsalita na ang aktor at binengga ang mga nagsabing wala raw kasi siyang trabaho ngayon at problemado kung paano bubuhayin ang pamilya.

"FYI sa mga basta may ma ipost lang kung ano anong storya ang gingawa basta may ma content lang wag kayong gago!!!" simulang pagresbak ni Mark.

Aniya pa, "Yung post ko na umiiyak eh tungkol sa personal na problema! Wag kayong tanga at mahilig gumawa ng kwento para lang sa content nyo!!! 

"May mga trabaho akong gingawa may show ako na ginagawa under GMA 7 at under BuenasPH.

"So para sa mga gumgawa ng storya na umiiyak ako dahil wala akong trabaho wag kayong tanga! 

"Maghanap kayo ng ibang macocontent wag ako mga inutil!!!!" ang matapang na mensahe ng asawa ng dating aktres na si Nicole Donesa.

The post Mark Herras sa crying video: Wag kayong t*nga! Wag ako mga inutil! appeared first on Bandera.


Mark Herras sa crying video: Wag kayong t*nga! Wag ako mga inutil! Mark Herras sa crying video: Wag kayong t*nga! Wag ako mga inutil! Reviewed by pinoyako on February 10, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close