Nagkaroon Man ng Matinding Sakit, Bumangon at Nag-Topnotcher sa 2022 Physical Therapist Licensure Examination
Bago maging Topnotcher sa 2022 Physical Therapist Licensure Examination ay maraming pinagdaanan si Wilhelmina Albert M. Pascua. Si Wilhelmina ay 23-anyos, naninirahan sa Quiapo, Manila. Siya ay nakakuha ng rating na 85.90 percent at Top 10 sa naturang licensure exam. Nagtapos si Wilhelmina ng Bachelor of Science in Physical Therapy sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila noong June 30, 2020.
Hindi nakapagtake ng exams noong August 2020 at February 2021 si Wilhelmina dahil sa pand3mya. "Masasabi ko talaga na sobrang nag-aral talaga ako. Kaso nung dumating yung balita na cancelled na naman yung February 2021 boards, na-discourage na ako nang sobra noon."
At Marso 2021, nagkasakit siya kaya umuwi muna sa probinsiya para magpagaling. "I was diagnosed with Hyperthyroidism due to Graves' disease, which is unknown yung cause. Who would have thought na yung isa sa mga inaaral ko ay magiging condition ko na pala?
"Sabi ko sa sarili ko, sa dinami-rami nang puwedeng magkasakit, bakit ako pa? Pero naisip kong mas okey na lang na ako kaysa yung family or friends ko. By that time, sobrang deconditioned ako kasi hindi ako nakakakain nang maayos. Hindi ko kayang maglakad nang malayo, ni halos di nga ako makaakyat ng stairs, and hindi ko talaga kayang i-tolerate yung init."
Mula sa apat na magkakaibang gamot na kanyang iniinom araw-araw, naging 11 tablets a day.
"Nag-struggle kami financially. Pero thankful ako kasi maraming tumulong, mga friends ni Mama. Yung batchmates ko, nag-ambag-ambag pala para maka-help sila."
Pero hindi pa rin nakakuha si Wilhelmina ng December 2021 exam. Hanggang sa unti-unti ay nakarecover si Wilhelmina. "Fortunately, kinaya kong magbasa-basa na ulit kaya nakapag-take ako nitong June 2022 boards."
Hindi niya inaasahang magta-topnotcher siya kaya laking gulat niya na masama siya sa top 10.

Source: Noypi Ako
Nagkaroon Man ng Matinding Sakit, Bumangon at Nag-Topnotcher sa 2022 Physical Therapist Licensure Examination
Reviewed by pinoyako
on
July 07, 2022
Rating:
No comments: