BREAKING NEWS

Isang Rakitera at Dating OFW, Matagumpay na Nakapagtapos ng Pag-aaral sa Kolehiyo!




Isang rakitera at dating OFW ang nag-inspire ng maraming tao. Wala umanong kakayahan na pag-aralin si Chryzel Joy Gordula Landicho ng kanyang mga magulang. Gayunpaman, ay hindi siya sumuko para abutin ang pinapangarap ng makapagtapos ng pag-aaral. Ang mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay ay matagumpay niyang nalagpasan. Kung minsan ay dumadating na siya sa mga panahong mapapaiyak na lamang siya dahil sa mga problema, ngunit hindi siya sumuko.




Narito ang kanyang facebook post kung saan ibinahagi niya ang kanyang mga pinagdaanan para makapagtapos siya sa kolehiyo:

"To God be the highest glory, honor and praise!

"Dati akong domestic helper at baby sitter sa Doha Qatar, naging kahera ng sabungan sa Siniloan, naging factory worker sa Calamba, naging Call Center agent sa Iloilo, nagtinda ng Caramel bar at rambutan sa school, nag ee-load, nagpprint at photocopy, frustrated photographer and editor, naging distributor ng Avon, nagtitinda ng ice candy, certified taka(paper maché) girl, at tumanggap ng napakaraming tututoran.




"I did all that to fulfill my dream of graduating from college. Yung ibang naging raket ko ay hindi ko na maisa-isa sa sobrang dami. Hindi ko na rin mabilang kung ilang batch ang nakasabay ko, kung ilang beses akong tumigil at nagpatuloy, at kung ilang beses akong naiwan ng mga kabatch ko. Hindi lang halata sakin na sobrang nahihirapan na kasi pinapanatili kong maging maganda. Chaaar!

"My almost a decade of studying in college has not been easy. I studied Practical Nursing for four years which should have been just two years but I still haven’t been able to finish it because I could not afford the bill. I had to go abroad to work and save money to be able to study again when I returned to the Philippines.

"Nagsimula ulit akong mag-aral year 2016, pero isang taon pa lang ubos na yung ipon ko. Kinailangan kong hatiin yung katawan ko sa pag-aaral at pagsa-sideline para sa pang araw-araw kong allowance. Madalas akong late, absent sa ibang subjects, walang assignment, at late sa pagpapasa ng projects kasi mas inuuna kong magbenta ng caramel bar at magpa order ng Avon products sa buong campus just to survive another day at school.

"Smile is the key para mas dumami ang suki. Nakakaattract kasi yan ng customer. Tipong papasok pa lang ako sa gate yung ngiti ko abot hanggang tainga na. Halos mapudpod na din ang sapatos ko sa paglibot sa buong campus. Kapag naka benta na ako ng 100 pesos okay na quota na. Yung 60 pamasahe, yung 40 pang kain ng lunch. Pwede na ako niyan pumasok sa 2nd subject kasi may sigurado na akong pang gastos for that day. Yung susunod na araw, bahala na ulit si batman.

"I am often tested by problems that come up. Those times when there is a sudden need to pay, contributions to projects and activities, and even my daily fare to school are already hard for me where to get. My mind is divided on acads and on how I will get the money to spend. Sometimes it feels like it's me against the world. Tipong kailangang kailangan ko pero wala talaga, wala akong mapagkunan. Umiiyak akong mag isa, lumalaban ako ng tahimik, ng walang nakakaalam except kay God.

"Mahiråp, nakakapagod, para akong lumalaban na wala man lang akong dalang balå, basta ang alam ko lang ay kailangan kong ipanalo ang laban. But in spite of all the hardship, I had so much courage to keep going. Kasi marami akong pangarap.




"I stumbled many times, but more times I got up and started again because if I can’t do it for myself, who do I expect to do it for me?

"Sabi nga nila kapag ayaw, maraming dahilan, pero kapag gusto, maraming paraan. Hindi dahilan yung walang pampaaral ang mga magulang upang hindi magpatuloy sa pag aaral. The trust, support and love they give me is enough. They are not the reason for me to give up, but are my source of strength and courage to continue, and have been my inspiration from the beginning. This is for them.


"Gusto kong magpasalamat sa lahat ng taong tumulong sakin throughout this journey. To my family, Tatay and Inay, Ate Aileen and Kuya Ramil, Ate Tin and Kuya Bok, Kuya Yogie and Miggy. To my nieces. To my bestfriends, friends, and lover. To my relatives, teachers, scholarships, and some strangers. Maraming maraming salamat sa inyong lahat.

"Above all, I thank God for the gift of life, knowledge, wisdom, and love. Thank you for giving me these amazing people in my life that you made them an instrument to help me, and served as my inspiration.

"Today, I officially achieved my goal of graduating from college and I will start again with another challenge in life. Worth it lahat ng hirap, pagôd at luha.

"I'm not late, this is the perfect time for me.
I made it and My heart is full.
CHRYZEL JOY GORDULA LANDICHO
Bachelor of Science in Agricultural Education
M16-1-22647"



Source: Noypi Ako
Isang Rakitera at Dating OFW, Matagumpay na Nakapagtapos ng Pag-aaral sa Kolehiyo! Isang Rakitera at Dating OFW, Matagumpay na Nakapagtapos ng Pag-aaral sa Kolehiyo! Reviewed by pinoyako on August 22, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close