BREAKING NEWS

Panadero Noon, Isang Ganap na Doktor na Ngayon!



Ang susi sa pag-abot ng pangarap ay ang pagsusumikap. Sa pagsusumikap, kaakibat nito ang sipag at tiyaga sa buhay. Gaya na lamang ng isang panadero noon, isang ganap na doktor na ngayon.

Mula sa isang facebook post, ibinahagi ng 37-anyos na si Dr. Rommel Abellar Amos ang kanyang mga larawan. Ayon sa kanyang post ay marami siyang pinasukan na iba't-ibang trabaho. Ibinahagi niya ang kanyang mga larawan noong Marso 19.


Taong 2005 ay naging water refiller siya habang nag-aaral sa Mega P&F Water Station, 2006 ay naging Merchandizer siya sa SM Lazaro Supermarket, 2007 ay naging Marketing Assistant sa SYM Motors, 2008 ay naging Sales Clerk sa Megamall at 2017 ay naging Assistant Baker sa RDA Bakery.

Hindi naging madali ang pag-abot niya sa kanyang pangarap. Naging inspirasyon siya hindi lamang sa mga kabataan ngayon kundi sa maraming tao.

"Let us just treat poverty as a challenge, not an obstacle. I think that my humble beginnings were very deliberate, and I'm grateful for them because I'm not sure I would see my achievements the same way if they were handed to me. So I EARNED them." Ayon kay Dr. Rommel.



Sa dami ng kanyang pinagdaanan sa buhay ay nakamit din niya ang matagal niyang pinapangarap. Isa na siyang ganap na Licensed Physician at Registered Nurse ngayon taong 2021.

"Success has a way finding people who are worthy of it. To be successful means to earn it. Do not just  dream about it, but also work hard and smart for it. Even if it takes a lot of time, the end goal will be worth the effort you've put into achieving it."-The Poor MD (Rommel A. Amos, R.N. M.D)

Source: Noypi Ako
Panadero Noon, Isang Ganap na Doktor na Ngayon! Panadero Noon, Isang Ganap na Doktor na Ngayon! Reviewed by pinoyako on March 21, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close