Robin Padilla tuloy depensa sa mga Duterte sa Senado: ‘I’m Digong’s Man!’
PATULOY na ipagtatanggol ni Sen. Robin Padilla sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte hangga’t hindi pa opisyal na nagiging impeachment court ang Senado.
Ito ang sinabi mismo ng actor-politician nang makapanayam ng DWIZ kamakailan lang, na iniulat din ng INQUIRER.
Sinabi ni Padilla na bilang miyembro umano ng PDP-Laban ay karapatan niyang ipagtanggol ang kampo ng mga Duterte.
“As of now, since we have not yet convened. It is my right to defend Digong as a PDP-Laban member. I will do everything to defend Digong and Inday,” sey niya.
Baka Bet Mo: Robin sakaling hulihin si Bato sa Senado: Mamamatay na kaming dalawa du’n
Pero nilinaw ng senador na kapag dumating na ang panahon na kikilos sila bilang impeachment judges sa posibleng paglilitis kay VP Sara, magbabago na umano ang kanyang papel.
Ayon pa kay Padilla, habang hindi pa pormal na impeachment court ang Senado ay may karapatan pa rin ang mga senador na magsalita at magpahayag ng kanilang opinyon tungkol sa impeachment complaint.
“Once we convene and become judges, there will be nothing more to discuss about that. We will truly listen to the evidence,” saad niya.
“But as long as we are still legislators and have not yet worn the hat of being judges, we have the right to speak,” diin pa ng senador.
Lumabas ang pahayag ni Padilla habang hinihintay pa ang aksyon ng Kamara kaugnay ng impeachment complaint laban kay VP Sara.
Nauna na ring sinabi ni Padilla na tungkulin umano ng minority bloc na tutulan ang pagko-convene ng Senado bilang impeachment court.
Depensa pa niya, hindi umano “panghaharang” sa proseso ang ginagawa ng ilang senador na kontra sa impeachment proceedings.
Giit niya, trabaho ng minority bloc na maging “watchdog” laban sa posibleng pagkakamali ng mayorya.
Hindi rin kumbinsido si Padilla na aabot sa Senado ang impeachment complaint laban kay Duterte dahil posible pa umanong magkaroon ng ibang developments sa mga susunod na araw.
Tinanong din si Padilla kung magiging patas pa rin ba siya sa paghusga sakaling umabot sa impeachment trial kahit kilala siyang kaalyado ng pamilya Duterte.
“My being an ally of the vice president ends there,” tugon niya.
“Let’s not beat around the bush. I am Digong’s man. But when it comes to the point where we are talking about being a judge, all of that is stripped away. That is very clear in the Constitution,” ani Padilla.
The post Robin Padilla tuloy depensa sa mga Duterte sa Senado: ‘I’m Digong’s Man!’ appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
May 11, 2026
Rating:

No comments: