Dani Barretto nanggigigl kay Dennis Padilla: Weren’t you the abusive one?
HINDI nakapagpigil ang negosyante at celebrity mom na si Dani Barretto sa mga pahayag ng kanyang stepfather na si Dennis Padilla.
Ito ay kaugnay sa mga naging rebelasyon ng celebrity mom sa kanyang guesting sa podcast ni Kylie Versoza na “Almost Honest” kung saan natalakay nila ang parte ng kanyang childhood.
Ang naturang bahagi ng pahayag ni Dani sa naturang podcast ay posted sa Instagram kung saan naikuwento niya ang mga pinagdaanan noon ng inang si Marjorie Barretto.
“Nasanay kami doon. We saw the yelling, we heard every yelling, the screaming, everything my mom went through. Tumatak sa amin ‘yon di ba? Mga bata kami noon, but that stayed with us,” saad ng celebrity mom.
Baka Bet Mo: Dani Barretto saludo sa ina sa pag-alis sa abusive relationship: Tumatak sa amin yun
Pero naging maingay ang naturang pahayag ni Dani matapos mag-comment ni Dennis na tila umaalma sa naturang pahayag ng stepdaughter.
Tila hindi ito nakapagpigil kahit na nagpahayag na ito noong April 2025 na hindi na ito magre-react pa sa mga anak at tuluyan na niyang pinuputol ang ugnayan rito.
“Dani… Abangan mo sagot ko… Point by point… Mula nung nasa tyan ka pa ng nanay mo…I felt abused,” comment ni Dennis sa naturang post.
Dagdag pa niya, “I felt liberated nung nakawala ako sa relationship na sinasabi mo.. Huwag masyadong mayabang.. Wala kang alam… Half lang alam mo..”
Ngunit palaban naman ang naging buwelta ni Dani sa dating amahin.
“I think you’re forgetting we all lived in the same house. That we woke up to your screams almost every morning. Kung hindi si mom sinisigawan mo, one of the help.
“This is what you always do, use social media to ‘defend’ yourself and spread more lies and gaslight your children and now me. You keep pushing this narrative na kinawawa ka. Weren’t you the abusive one?” sey ni Dani.
Chika pa niya, wala raw pinipiling lugar ang paninigaw ni Dennis sa kanila.
“Di ba tatawag ka sa mga anak mo mostly laging madaling araw kasi lasing ka para murahin at sigawan lang sila? And now know it all pa ko? Ikaw nanaman kawawa? Si mom nanaman sisiraan mo. Enough is enough,” giit ni Dani.
S ngayon ay wala pang sagot si Dennis sa buwelta sa kanya ni Dani.
Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ng parehong kampo sa isyung ito.
The post Dani Barretto nanggigigl kay Dennis Padilla: Weren’t you the abusive one? appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
May 11, 2026
Rating:

No comments: