Shuvee Etrata binatikos,aso pinaihi sa parking lot ng condo

UMANI ng batikos online ang Sparkle artist na si Shuvee Etrata matapos kumalat ang isang video kung saan pinayagan niyang umihi ang kanyang alagang aso sa parking lot ng isang condominium.
Ang naturang clip ay in-upload sa isang Reddit community, kung saan inilahad na naganap umano ang insidente bago pa sumali ang dalaga sa "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 1" noong 2025.
Makikita sa video na inamin ni Shuvee na mali ang kanyang ginawa nang pahintulutan niyang umihi ang aso sa parking lot ng condominium, dahil ipinagbabawal ito.
Saad ni Shuvee, "Alam kong mali 'to eh, pero ginagawa ko pa rin siya. Kasi bawal sa condo 'to eh, na umihi. Alam ko talagang papagalitan.
"Ang dami niyang ihi, guys. Dapat sa seventh floor ko siya dinala, alam ko kinakausap ko sarili ko ngayon.
Baka Bet Mo: Shuvee Etrata 'di pa sinasagot si Anthony Constantino: 10 years pa!
Tinawag din ni Shuvee ang aso na si Yoda at pinahihinto na ito sa kanyang ginagawa.
"Naii-stress ako… tara na, Yoda, baka mahuli pa tayo dito," sabi pa niya sa camera.
Agad namang umani ng samu't-saring komento mula sa madlang netizens ang naturang post.
Base rin sa mga comments ay ang naturang aso na kasama ni Shuvee ay ang alaga ng kaibigang si Ashley Ortega.
"'I know it's wrong, but I'm still doing it.' She's really something. In a very bad way," saas ng isang netizen.
Comment naman ng isa, "Dyusmiyo Shuvee. Nakakaloka ang kalat. Pwede naman mag-diaper."
"She's weird! She knows she's gonna get bashed, but she still does it, then apologizes. That's kinda psycho," sabi naman ng isa.
Umiikot din ang video sa Instagram, kung saan pinuna ng isang user si Shuvee dahil sa pagiging hindi makonsidera sa ibang residente ng condominium.
"Sobrang hate ko 'yung mga pet owners na kung saan saan pinapa-ihi ang alagang aso. Konsiderasyon naman para sa mga other tenants at condo housekeepers. Ang hirap kaya tanggalin ng amoy niyan," ani ng Instagram user.
The post Shuvee Etrata binatikos,aso pinaihi sa parking lot ng condo appeared first on Bandera.

No comments: