BREAKING NEWS

Presyo ng Diesel posibleng sumirit ng P170/liter sa April 7; gas taas-presyo rin

Presyo ng Diesel posibleng sumirit ng P170/liter sa April 7; gas taas-presyo rin
INQUIRER file photo

HINDI pa rin tumitigil ang pagtaas ng presyo ng langis, mga ka-BANDERA!

Ayon sa source ng INQUIRER, pwedeng umabot sa P170 kada litro ang diesel pagsapit ng April 7, kasabay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil sa patuloy na gulo sa Middle East.

Ibig sabihin, tataas ang diesel ng P17 hanggang P19 kada litro, habang ang gasolina naman ay inaasahang may dagdag-presyo ng P3 hanggang P5 kada litro. 

Mas mataas ito kumpara sa mga naunang pagtaas ngayong linggo na P4.50 hanggang P12.90 per litro para sa diesel at P1 hanggang P2.90 para sa gasolina. 

Baka Bet Mo: Pinas pinayagan ng Iran sa Strait of Hormuz; mas maraming oil supply aasahan?

May ilang oil firm pa nga na nagpatupad ng rollback na P2.35 per litro para sa gasolina.

Base sa datos ng Department of Energy (DOE), noong March 24 to 30 (hindi kasama ang adjustments ngayong linggo), ang presyo ng regular diesel ay nasa P105 hanggang P131.90 kada litro, habang ang premium diesel ay mas mahal pa nasa P119.50 hanggang P140.20. 

Ang gasolina naman ay nasa P84 hanggang P111.10 kada litro.

Sinabi rin ng source na tuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng diesel dahil mataas ang demand kahit na limitado ang supply, dulot ng krisis sa Middle East na kinasasangkutan ng United States, Israel, at Iran.

The post Presyo ng Diesel posibleng sumirit ng P170/liter sa April 7; gas taas-presyo rin appeared first on Bandera.


Presyo ng Diesel posibleng sumirit ng P170/liter sa April 7; gas taas-presyo rin Presyo ng Diesel posibleng sumirit ng P170/liter sa April 7; gas taas-presyo rin Reviewed by pinoyako on April 02, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close