Pinas pinayagan ng Iran sa Strait of Hormuz; mas maraming oil supply aasahan?

TINIYAK ng Iran na papayagan ang ligtas na pagdaan ng mga barkong may bandila ng Pilipinas at lahat ng Pinoy seafarers sa Strait of Hormuz.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro, naging "very productive" ang kanilang phone conversation noong April 2 kay Iranian Foreign Minister Seyed Abbas Araghchi, kung saan tinalakay ang pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa.
"During the call, the Iranian Foreign Minister assured the secretary that Iran will allow the safe, unhindered, and expeditious passage through the Strait of Hormuz of Philippine-flagged vessels, energy sources, and all Filipino seafarers," sey sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Dagdag pa ni Lazaro, mahalaga ang "positive" na development na ito para sa Pilipinas dahil masisiguro ang kaligtasan ng mga Pinoy seafarers sa Middle East at ang tuloy-tuloy na suplay ng enerhiya ng bansa.
Baka Bet Mo: Balitang next target na ng Iran ang Pilipinas fake news – DND
Sa kanyang verified X account, ibinahagi rin ng kalihim ang naging usapan nila ni Araghchi: "Building on recent talks, we reached a positive understanding on the safety of our seafarers and the security of our energy supply. Grateful for the warm spirit of cooperation."
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fdfaphl%2Fposts%2Fpfbid05mVw6YAdsooRBJf95DTrYEWRnXBgwniM3VMK69anPb8aUrDW3eCMPtbPvUdZC9Vxl&show_text=true&width=500" width="500" height="472" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe> Pinagtibay rin ng Maynila at Tehran ang kanilang commitment na panatilihin ang magandang relasyon at makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na dayalogo at diplomasya.
Sa development na ito, kabilang na ang Pilipinas sa mga bansang Asyano na pinayagang dumaan sa Strait of Hormuz ng gobyerno ng Iran.
Naganap ang tawag ni Lazaro sa Iranian foreign minister isang araw matapos ang pulong nila ni Energy Secretary Sharon Garin kay Iranian Ambassador to the Philippines Yousef Esmaeilzadeh.
Sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos, humiling ang Maynila sa Tehran na pormal na ideklarang "non-hostile" country ang Pilipinas para masiguro ang ligtas na pagdaan ng mga barkong patungong bansa sa Strait of Hormuz.
Ayon naman kay Palace Press Officer Claire Castro, tinatapos na ng Department of Energy (DOE) ang detalye para sa "immediate transmission" ng impormasyon hinggil sa mga apektadong barko matapos ang pulong sa Iranian ambassador.
Sinabi rin ni Castro na binanggit ni Esmaeilzadeh na ang Tehran ay "has been awaiting our outreach and reaffirmed their strong willingness to assist the Philippines with our specific requests."
Napagkasunduan ng Maynila na idaan sa opisyal na diplomatic channels ang lahat ng detalye para mapabilis ang proseso.
Nauna nang sinabi ng pangulo na sapat ang suplay ng fuel ng bansa hanggang katapusan ng Hunyo.
Gayunman, inatasan niya ang DOE na mag-secure pa ng dagdag na suplay dahil sa umiiral na tensyon sa Middle East.
Umaasa ang Pilipinas sa imported oil mula sa Middle East, na umaabot sa 98 porsiyento ng kabuuang crude oil supply ng bansa.
The post Pinas pinayagan ng Iran sa Strait of Hormuz; mas maraming oil supply aasahan? appeared first on Bandera.

No comments: