Xian Gaza kay Gigi de Lana: Alam kong may serious health condition ka

PINAGSABIHAN ng social media personality na si Xian Gaza ang biriterang singer at aktres na si Gigi De Lana.
Ito'y matapos mag-collapse ang dalaga sa isa niyang show sa Samal Island City, Davao Del Norte kamakailan.
Sa Facebook post ni Xian sinabi nitong knows daw niya kung ano ang tunay na karamdaman ni Gigi kasabay ng pagbibigay niya ng advice rito.
"Gigi, alam kong may sakit ka. May serious health condition ka. Kompirmd from multiple sources. Hindi ko na lang i-specify kung anu-ano yung mga karamdaman mo at baka makasuhan pa yung doktor mo.
"Mga artistang nagpalaglag nga alam ko, sakit mo pa kaya?" ang simulang pagbabahagi ni Xian.
Patuloy pa niya, "Pero hindi natin pwedeng sisihin na lang palagi yung mga sakit mo. Paano na lang yung mga taong nagbayad para mapanood ka?
"Ganu'n ganu'n na lang ba 'yon? Aba'y hindi biro kumita ng pera sa panahon natin ngayon. Sobrang hirap ng buhay," aniya pa.
Advice pa niya sa singer, "Kung alam mo palang mahina yung katawan mo, huwag kang sumagad. Responsibilidad mo yun. Magpahinga ka many days before your event.
"Kasi kung palagi ka na lang magco-collapse, wala ng manonood sayo. Wala ng bibili ng ticket sa mga shows mo. Gusto mo ba 'yon?" sey pa ng tinaguriang Pambansang Marites.
"Doon naman sa mga nagsasabi na sinasadya niyang himatayin para hindi matapos yung concert, please lang, huwag kayong tanga. Walang music artist ang gagawa niyan kasi masisira yung career niya. Mawawalan siya ng source of income.
"Doon naman sa mga nagsasabi na sana sumunod na siya sa kanyang ina, may balik yan, maniwala kayo sa akin. Matinding kamalasan sa inyong buhay," chika pa ng social media personality.
Sa huli, ang hugot ni Xian, "Ano yung lesson na mapupulot natin dito? Minsan, sa kagustuhan nating kumita ng malaking pera, inaabuso natin yung limitasyon ng ating katawan.
"And by doing so, hindi natin namamalayan, mas lumalayo tayo sa ating mga pangarap. A reminder to take care of our health while working hard.
"Kasi kapag katawan mo na ang mismong bumigay, kawawa ang mga mahal mo sa buhay," sabi ni Xian Gaza.
Nauna rito, naglabas ng official statement ang Tritone Entertainment hinggil sa nangyari kay Gigi matapos ang last song niya sa kanyang gig sa Samal Island.
"To everyone who has been sending messages and asking about Gigi, thank you so much for your love and concern.
"After her performance last night in Samal Island City, Davao Del Norte, Gigi experienced extreme fatigue and briefly passed out after her final song.
"She was given immediate attention and care, and we're grateful to share that she is now safe, stable, and currently resting," saad ng Tritone Entertainment.
Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ni Gigi o ng kanyang talent management sa naging rebelasyon ni Xian Gaza.
The post Xian Gaza kay Gigi de Lana: Alam kong may serious health condition ka appeared first on Bandera.

No comments: