Women’s Month 2026: Mga babaeng lider sa likod ng tagumpay sa musika

SA pagdiriwang ng Women's Month, mas nabibigyang pansin ang mahalagang papel ng mga kababaihan sa iba't ibang larangan kabilang na ang music industry.
Sa magkahiwalay na panayam ng BANDERA, ibinahagi nina music executive Roslyn Pineda at talent manager Kat Ramnani-Bautista ang kanilang karanasan bilang mga babaeng lider sa likod ng industriya ng musika.
Para kay Kat, na siyang manager at asawa ng singer na si Christian Bautista, hindi maikakaila na may mga hamon pa ring hinaharap ang mga babae sa anumang industriya.
"I think being a woman is always a struggle in any industry. You always have to work twice as hard, be twice as smart, be twice as present," sey ni Kat nang dumalo kami sa press conference para sa bagong single ni Christian na "Sa'yo Lamang."
Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Christian-Kat Bautista ibinandera ang sikreto sa matatag na relasyon
Ayon pa sa kanya, madalas ay kailangang patunayan ng mga babae ang kanilang kakayahan.
Gayunman, ipinagmamalaki niya na ang kanilang kumpanya na NIMA ay pinamumunuan at pinatatakbo ng mga kababaihan na nagtutulungan para umangat ang isa't isa.
"I'm so proud that NIMA is women-run and women-led…we lift each other up," saad pa niya.
Dagdag pa ni Kat, malaki rin ang naitutulong ng pagkakaroon ng mabubuting katuwang sa industriya, gaya ng Sony Music, na aniya'y nagbibigay ng pantay na oportunidad sa lahat.
Bukod sa pamamahala sa karera ni Christian, isa rin sa nagbibigay sa kanya ng kasiyahan sa kanyang trabaho ay ang maipakilala ang talento at kultura ng mga Pilipino sa buong mundo.
"Bringing Filipino content to the world stage…we have such a beautiful culture, and I want the world to see that," aniya.
May payo rin siya para sa mga kababaihan ngayong Women's Month: "Never let your gender hold you back. No is always the beginning of negotiation, and be a little delusional because that's the only way you're going to make your dreams come true."
Samantala, ibinahagi rin ni Roslyn ang kanyang pananaw sa lumalawak na papel ng kababaihan sa industriya ng musika sa ginanap na launch ng Sony Music Publishing sa Pilipinas.
Ayon kay Roslyn, kapansin-pansin na mas marami nang babaeng artists, songwriters at executives ang kinikilala ngayon sa industriya.
Gayunpaman, aminado siyang may mga hamon pa ring kinakaharap ang kababaihan.
"I would say that despite progress, there still are lingering stereotypes and biases that impact or affect decision making and opportunities when it comes to women. And then from another perspective, there's also the challenge of balancing. I mean, given the demands of the music industry, there's also that part about balancing professional and personal life. Somehow the expectation is that women need to manage it better," paliwanag ng presidente ng Sony Music Publishing Asia.
Sa kabila nito, nagpapasalamat siya na mas nabibigyan na ng pagkakataon ang kababaihan na mamuno at maging bahagi ng mahahalagang desisyon sa industriya.
"I'm very grateful to companies like Sony Music Publishing that allow women to break through into leadership positions," sambit ni Roslyn.
Para sa kanya, isang magandang senyales ng pagbabago ang nakikita niya sa sariling pamilya, kung saan normal na para sa kanyang mga anak na makita hindi lamang ang kanilang ama kundi pati ang kanilang ina na nasa posisyon ng pamumuno.
"I'm very happy with the direction that things are going when it comes to women in leadership," aniya.
The post Women's Month 2026: Mga babaeng lider sa likod ng tagumpay sa musika appeared first on Bandera.

No comments: