BREAKING NEWS

Vice Ganda: Kelan ako naging ninang ni Lella? Makagawa lang ng chika!

Vice Ganda: Kelan ako naging ninang ni Lella? Makagawa lang ng chika!
Caprice Cayetano, Karla Estrada, Lella Ford at Vice Ganda

HINDI na nakapagtimpi ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda sa "toxic fans" ng ilang "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0" housemates.

Pinagsabihan talaga ng TV host-comedian ang mga supporters ng mga housemates on national TV sa gitna ng mga isyung naglalabasan tungkol sa katatapos lamang na season ng naturang reality show.

Sa guesting nina PBB Celebrity Collab Edition 2.0 Big Winners Lella Ford (Kapamilya) at Caprice Cayetano (Kapuso) sa It's Showtime nitong nagdaang Biyernes, March 6, 2026, hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Vice.

Aniya, "Sa lahat ng fans, all of you are appreciated. But don't forget to be kind and human, and peace-loving, di ba?

"Dapat masaya lang tayo. Suportahan natin ang bawat isa sa masayang pamamaraan, di ba Huwag ninyo bibigyan ng sakit ng ulo yung mga idols ninyo.

"Huwag ninyong ipapahiya mga idols niyo sa mga ginagawa niyong kabulastugan, dahil hindi kayo ang napapahiya, sila.

"At sila ang nahihirapang makisama sa iba pang mga taong makakasalamuha nila. Kailangan silang i-remind na ganyan, just be fun," ang paalala pa ni Vice.

Bukod dito, nag-post din ang komedyante sa kanyang X account patungkol sa "toxic na fans" ng PBB housemates.

"Madami nga talagang toxic na fans ang mga PBB housemates. Mabababa ang functional literacy.

"Kaya napapabuntong-hininga na lang ang mga staff ng show pag guest yang housemates, e, kasi for sure may mga fantards na konting utot magmamaoy.

"Imbis na ma-excite ang staff, nasi-stress," sabi pa ni Vice Ganda.

Walang binanggit si Vice kung  anong partikular na insidente ang pinaghuhugutan ng kanyang tweet pero base sa comments ng netizens, may ilang fans daw si Caprice na bigla na lang nag-alisan after ng segment ng Kapuso young actress kahit hindi pa tapos ang "It's Showtime."

Kitang-kita raw tuloy sa TV na butas ang audience dahil nabakante bigla ang kanilang mga upuan.

Kasunod nito, niresbakan din ni Vice ang isang netizen sa X na nagsabing "ninang" daw siya ni Lella Ford, na anak ng isa sa mga BFF niyang si Karla Estrada.

Mababasa sa buradong tweet, "Ninang ni lella si vice ganda plus bff niya si karla kaya gumaganti lang yan."

Bwelta naman ni Vice sa kanya, "Tulad nito! Kelan ako naging ninang ni Lella??? Di ko nga alam kung nabinyagan na yan e! To naman makagawa lang ng chika.

"Magbasa-basa ka na nga lng ng libro na bata ka para kahit papano maging smart ka. Go start na sa page 1!" hirit pa niya.

The post Vice Ganda: Kelan ako naging ninang ni Lella? Makagawa lang ng chika! appeared first on Bandera.


Vice Ganda: Kelan ako naging ninang ni Lella? Makagawa lang ng chika! Vice Ganda: Kelan ako naging ninang ni Lella? Makagawa lang ng chika! Reviewed by pinoyako on March 07, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close