Valentina yarn! Robina Gokongwei nilaro urband legend ng ahas sa mall

LAUGH nang laugh ang mga um-attend sa Trade Partners Night event kamakailan dahil sa nakakalokang paandar ni Robina Gokongwei-Pe.
Kinaaliwan ng mga bisita sa naganap na pagtitipon ang pagsusuot ni Robina Gokongwei ng "Medusa-inspired" headdress nang magbigay ng speech sa audience.
Ipinost ni Gretchen Ho ang litrato ng kilalang negosyante sa kanyang social media page kung saan agaw-eksena nga ang mga "ahas" sa uli nito habang nagtatalumpati.
Si Gretchen ang isa sa mga naging host ng event, kasama ang kanyang ex-boyfriend na si Robi Domingo. Ibinahagi rin niya ang mga pictures nila ni Robi habang magkasama sa stage.
Sey ni Gretchen sa caption ng kanyang post, "This has become quite the wonderful tradition. Also a good chance to catch up with Robi who has become a good friend.
"Another #TradePartnersNight in the books! Thank you Robinsons for the trust all these years, and to Ms. Robina Gokongwei-Pe who embodied 'Valentina' with her pet snake from the dressing room!" sey pa ng host sa kanyang Facebook post.
Base sa comments ng mga netizen, nilaru-laro na lang ni Robina ang "urban legend" patungkol sa kanya at sa pag-aaring shopping mall ng kanilang pamilya.
Nauna rito, dinogshow din ni Robina ang tungkol sa nasabing urban legend noong January 27, 2025, kung saan ipinakita ng negosyante ang ilang naglalakihang ahas sa kanilang mall.
"Look who finally decided to come out of hiding. My shining, shimmering golden twin (with his pretty in pink girlfriend)! Here's to a slitheringly good Year of the Snake!*" ang nakalagay sa caption ng post.
Ang sinasabi niyang "kambal na ahas" ay dekorasyon lamang para sa pagdiriwang ng Chinese New Year nu'ng taon na iyon.
Sa mga hindi pa aware, o sa mga nakalimot na, noong dekada 90 ay kumalat ang isang kuwento na may kakambal daw si Robina na umano'y kalahating tao at kalahating ahas.
Naninirahan daw ito sa basement ng mall, at nambibiktima raw ng magagandang babae. Base sa kuwento, dumudumi raw ng ginto ang taong ahas na naging dahilan ng pagyaman ng pamilya Gokongwei.
Ayon pa sa urband legend, kusa raw bumubukas ang mga sahig sa fitting room ng mall kung saan malalaglag ang babaeng matitipuhan ng taong ahas.
Nabalita pa nga na isa raw sa nagustuhan ng taong ahas ay ang aktres na si Alice Dixson. Pero nang tumagal ay pinabulaanan ito ni Alice sa pamamagitan ng isang vlog noong 2018.
Matagal na rin itong dinenay nina Robina at ng kapatid na si Lance Gokongwei sa isang interview.
"No snake. If there would have been a snake, my sister Robina would have caught it and converted it into a handbag that she sold in Robinsons," ang paglilinaw ni Lance.
The post Valentina yarn! Robina Gokongwei nilaro urband legend ng ahas sa mall appeared first on Bandera.

No comments: