BREAKING NEWS

Topacio kina Anne at Jasmine: Kung pinagnanasahan kayo, kasalanan n’yo

Topacio kina Anne at Jasmine: Kung pinagnanasahan kayo, kasalanan n'yo
Jasmine Curtis, Ferdinand Topacio at Anne Curtis

PINANINDIGAN pa rin ni Atty. Ferdinand Topacio ang naging pahayag niya laban kina Anne at Jasmine Curtis sa kabila ng pambabatikos sa kanya.

Feeling "unbothered" ang abogado sa mga natatanggap na pangnenega ng mga netizens, lalo na ng mga women's groups na nagtatanggol kina Anne at Jasmine.

Mukhang walang balak si Topacio na bawiin ang pambebengga niya sa magkapatid tungkol sa pagpo-post ng mga ito ng kanilang bikini photos sa social media.

In fairness, humingi naman ng paumanhin ang abogado sa nanay nina Anne at Jasmine na si Carmen Ojales sa panayam sa kanya ng DZMM Teleradyo nitong Lunes, March 9.

Ito'y matapos ngang sagutin ni Carmen ang nakakainsulto umanong komento ni Topacio laban kay Jasmine na ang pagpo-post daw nito ng sexy photos sa social media ay para pagnasahan siya ng mga kalalakihan.

"Nag-a-apologize ako sa kanya (kay Carmen). Hindi ko po kasi alam na normal para sa inyo na hayaan ang isang babaeng anak na mag-post ng ganu'ng pictures.

"Kasi kung ako po may anak na babae, hindi ko po papayagan na ganu'n, e. 

"Pagkatapos, magagalit kayo? Sinasabi ko lang, kung pinagnanasahan kayo ay kasalanan n'yo. Kasi you are provoking," aniya.

Matatandaang kinampihan ni Topacio si Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay sa gitna ng pambabatikos dito ng madlang pipol dahil sa pambabastos kay Anne.

Ginawa kasing example ni Suntay si Anne sa naging manifestation nito sa pagdinig ng House Committee on Justice sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.

The post Topacio kina Anne at Jasmine: Kung pinagnanasahan kayo, kasalanan n'yo appeared first on Bandera.


Topacio kina Anne at Jasmine: Kung pinagnanasahan kayo, kasalanan n’yo Topacio kina Anne at Jasmine: Kung pinagnanasahan kayo, kasalanan n’yo Reviewed by pinoyako on March 09, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close