Tito Abdul ginulat ang madlang pipol, nagpakasal na pala…sa babae!

GINULAT ng content creator at aktor na si Tito Abdul ang madlang pipol nang bumandera sa social media ang kanyang pagpapakasal.
Marami kasi ang nag-akalang beki in real life si Tito Abdul o David Domanais sa tunay na buhay, but it turned out, lalaking-lalaki pala ang vlogger.
Ito'y matapos ngang mabalita ang naganap na wedding ng vlogger at ng kanyang partner na si Charlene.
Sumikat si Tito Abdul sa paggawa ng mga LGBTQ-themed content sa social media kasama ang kanyang kaibigang si Tito Marsy.
Mas lalo silang nakilala ng publiko nang maging bahagi sila ng Kapuso series na "Sanggang Dikit FR" na pinagbidahan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado kung saan bading din ang kanilang role.
At kamakailan lamang, pinakasalan na nga niya ang fiancée niyang si Charlene sa pamamagitan ng outdoor wedding ceremony na dinaluhan ng kanilang pamilya at mga kaibigan.
Nalaman na lamang ng kanyang mga followers ang naganap na kasalan nang mag-post si Tito Abdul sa TikTok nitong March 15, ng reaction video nila ni Charlene habang pinanonood ang Same-Day Edit wedding video sa reception.
"Congratulations po. Akala ko po talaga bekibels ka," reaksyon ng isang netizen.
Komento naman ng isang fan, "Aakala ko acting lang yung kasal nila, totoo pala talaga."
Nagbigay din ng mensahe si Tito Marsy kay Tito Abdul na nagsilbi namang Best Man sa kasal ng kaibigan.
"Today, I stood beside you not just as your best man… But as your brother from another mother.
"Seeing you start this new chapter with the love of your life fills my heart with so much joy and pride. You deserve this happiness," ang caption ng vlogger sa post niya sa Instagram.
Matatandaang nag-propose si Tito Abdul kay Charlene last January nang magtungo sila sa Hong Kong Disneyland.
Samantala, sa guesting nin Tito Abdul at Tito Marst sa vodcast ng GMA na "Your Honor", kinumpirma nila na marami ngang nag-aakalang bading sila sa tunay na buhay.
"Wala kaming choice, kumbaga, nilalaro na lang namin," sey ni Tito Abdul.
"Mas natutuwa kaming napagkakamalan kami nang ganu'n, kasi ibig sabihin, effective," sey naman ni Tito Marsy.
The post Tito Abdul ginulat ang madlang pipol, nagpakasal na pala…sa babae! appeared first on Bandera.

No comments: