Taas-pasahe sa bus, traditional at modern jeepney kasado na

APRUBADO na ng pamahalaan ang taas-pasahe na P1 sa mga traditional jeepney at P2 sa mga modern jeepney.
Kinumpirma ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Giovanni Lopez ang permanenteng pagtaas ng pamasahe sa traditional at modern jeepney nitong Martes, March 17.
Layunin ng fare hike na panatilihin ang sustainability at stability sa transportasyon ng bansa, sa gitna ng patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo dahil sa patuloy na giyera sa Middle Easte.
"Kami po, sa tingin namin, kailangan pa rin 'yong fare hike. Sabi ko nga, for sustainability and stability later on," ani Lopez.
Dahil sa ipinatupad na taas-pasahe, magiging P14 na ang minimum fare sa traditional jeepney at P17 naman sa mga modern jeepney.
"Inaprubahan na po ng DOTr ang rekomendasyon ng LTFRB. Mamaya iaanunsyo na po 'yong fare hike.
"Para makapagbigay lang ako ng isang sitwayon at ehemplo pagdating po sa ating mga jeepney, traditional at modern.
"Pagdating po sa traditional jeepney, mayroon po silang increase of P1, gagawin na po natin 'yang permanent, magiging P14 na po for the first four kilometers," pahayag ng opisyal sa panayam ng media.
"Ganu'n din po pagdating sa modern jeepney, ngayon po ay P15 sa kanilang first four kilometers ang base fare at madagdag din po tayo ng P2 so magiging P17 na po," dugtong ni Lopez.
Samantala, ibababa naman ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Atty. Vigor Mendoza ang pamasahe sa ibang mode of transportation.
Tataas din ang pasahe sa mga pampasaherong bus na bumibiyahe sa Metro Manila, gayundin ang provincial buses.
Ang dagdag pasahe sa airport taxi ay P40 at P20 naman sa mga ride-hailing vehicle at P15 sa Point to Point (P2P) buses.
Nilinaw ni Mendoza na wala pang dagdag-singil sa pasahe sa motorcycle taxis bagamat may nakabinbin ng petisyon para sa fare hike ang kanilang operators.
The post Taas-pasahe sa bus, traditional at modern jeepney kasado na appeared first on Bandera.

No comments: