Smokey Manaloto nagkaanak sa edad na 51: Na-diagnose siya ng autism

PROUD na ibinandera ng character actor na si Smokey Manaloto sa madlang pipol na nagkaroon siya ng anak sa edad na 51.
Nagkuwento si Smokey tungkol sa pagiging tatay sa kauna-unahang pagkakataon sa guesting niya sa nakaraang episode ng "Fast Talk With Boy Abunda".
Ayon sa aktor, three years old na ang kanyang anak na si Kiko, "My son is diagnosed with autism. He's in the spectrum, and it's tough, pero every milestone…
"Alam mo, napapansin ko na ang ibang tao, they take for granted yung maliliit na bagay na nagagawa ng anak.
"Pero for a parent who has a kid who's under the spectrum, the small things means a lot. Kunyari, natuto siyang mag-sign language, nasa-sign language niya ang buong alphabet.
"It's a big deal sa amin. It's very emotional for me to talk about it, pero I really, really love my kid, kahit ano pa siya," saad ni Smokey.
Aniya pa, "You truly appreciate the little things na nagagawa ng anak mo. Sa iba, ang liit na bagay 'yon pero sa 'yo, parang napakalaking bagay para sa 'yo."
Itinuturing din ni Smokey na isang "welcome accident" ang pagdating ng panganay na anak, "Ang totoo niyan, nagkaroon ako ng anak when I was 51.
"Napakasaya na parte ng buhay ko 'yon tapos parang ayokong itago 'yon. At kumbaga, naisip ko rin na para hindi mawalan ng pag-asa yung ibang mga kaedad ko na puwede pa rin.
"Puwede pa rin magkaroon ng anak at your age na ganoon," anang aktor.
Pagpapatuloy pa niya, "I've always wanted to have a kid kaso lang ang problema, I haven't found a perfect partner to have a kid with.
"And now, I'm very happy. I'm very satisfied that the person I'm with right now, I can truly say is my soulmate," sabi pa ni Smokey patungkol sa kanyang partner in life.
The post Smokey Manaloto nagkaanak sa edad na 51: Na-diagnose siya ng autism appeared first on Bandera.

No comments: