Ronnie Liang nagpasaring kay Hidilyn Diaz sa ‘lifetime fuel incentive’, kampi sa fuel company

TILA may pahaging ang pahayag ng singer, pilot, at Army reservist na si Ronnie Liang patungkol kay gold medalist Hidilyn Diaz kaugnay sa kontrobersyal na "free lifetime fuel" incentive niya matapos manalo noong 2020 Olympics.
Sa kanyang Facebook post nitong Sabado, March 14, sinabi ng singer na unfair naman para sa kumpanyang nagbibigay ng libreng gasolina sa kanya kung pino-promote nito ang kakompetensya.
"Ang nag bibigay sayo ng Libreng Fuel at sumuporta sayo noong nag uumpisa ka palang Si Phoenix Petroleum Philippines, Inc. tapos ang ine endorse mo ibang Oil Company," saad ni Ronnie.
Pagpapatuloy pa niya, "Unfair naman un sa nag bibigay ng libreng fuel at tumulong sayo nun nag start ka palang lumaban and masakit din on their part."
Baka Bet Mo: Lumang video nina Ronnie Liang at Harry Roque pinagpiyestahan
@banderaphl Ronnie Liang may mensahe kay Atty. Harry Roque at sa taong nasa likod ng kanilang 'topless' viral video! #RonnieLiang #HarryRoque #EntertainmentNewsPH #banderaphl #fyp #celebritynews ♬ original sound – Bandera
Hirit pa ni Ronnie, hindi naman tama na ang gamit ay gas ng sumusuporta sa kanya habang ang kanyang pino-promote ay ang produkto ng kalaban.
"Gamit mo gas nila tapos iba un pino promote mo," sabi pa niya.
Ang mga pahayag ni Ronnie ay lumabas sa kasagsagan ng isyu sa pagitan nina Hidilyn at kanyang manager na si Noel Ferrer laban sa Phoenix Petroleum.
Marami kasi ang napa-"sana all" sa atleta na napangakuan ng "lifetime fuel supply" nang manalo sa Olympics ngayong panay ang taas ng presyo ng gasolina dahil sa nagaganap na gyera sa pagitan ng Iran, USA, at Israel.
Naglabas kasi ng pahayag ang manager na hindi naman lifetime ang nangyari at natapos ito after two years. Dumipensa naman ang oil company at sinabing hindi na nila matuloy ang kasunduan dahil ini-endorse ni Hidilyn ang direct competitor ng Phoenix Petroleum Inc.
Naglabas na rin naman ang fuel company para linawin ang kanilang side tungkol sa pangyayari.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens ang post ni Ronnie.
"Two years lang po siya may unli gas sa Phoenix Petroleum Company espicifically in Davao City according to her Spokesperson po," saad ng isang netizen.
Hirit naman ng isang netizen sa post ni Ronnie, "Sana naisip din ng ibang nagreklamo against Phoenix kung okay lang din ba sa Petron na kinuha at binayaran siyang endorser sa Petron pero ang gamit niyang fuel is from Phoenix."
"its a reward dapat bago ng post ng phoenix ng lifetime nakalagay provided na wala siyang ibang iendorsed na other gas brand," sabi naman ng isa.
Samantala, wala pang tugon, o pahayag ang kampo ni Hidilyn tungkol sa pahayag ni Ronnie.
The post Ronnie Liang nagpasaring kay Hidilyn Diaz sa 'lifetime fuel incentive', kampi sa fuel company appeared first on Bandera.

No comments: