BREAKING NEWS

Panukalang-batas sa pagsusuot ng law enforcers ng body camera lusot na

Panukalang-batas sa pagsusuot ng law enforcers ng body camera lusot
JV Ejercito

LUMUSOT na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Senado ang panukalang-batas na mag-oobliga sa mga awtoridad na magsuot ng body camera sa kanilang operasyon.

Sinabi ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito layon ng Senate Bill No. 1908 na magkaroon ng "transparency" at "accountability" sa law enforcement operations.

Idinagdag pa ng senador na layon din ng panukalang Law Enforcement Body-worn Camera Act na mabigyan ng proteksyon ang mga sibilyan laban sa mga pang-aabuso ng mga awtoridad.

Magiging bahagi rin ito ng pag-dokumento at magagamit na ebidensya.

Nakasaad sa panukalang-batas na oobligahin na magsuot body camera ang mga pulis, mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), maging ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)

Babala rin ni Ejercito na mapaparusahan ang mga hindi magsusuot ng body camera, gayundin ang magtatangka na sirain ang video footages ng aktwal na operasyon.

The post Panukalang-batas sa pagsusuot ng law enforcers ng body camera lusot na appeared first on Bandera.


Panukalang-batas sa pagsusuot ng law enforcers ng body camera lusot na Panukalang-batas sa pagsusuot ng law enforcers ng body camera lusot na Reviewed by pinoyako on March 16, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close