BREAKING NEWS

Pamilya ng kilalang personalidad hindi boto sa GF na aktres kaya naghiwalay

Pamilya ng kilalang personalidad hindi boto sa GF na aktres kaya naghiwalay
Guess, guess who!?

TRULILI kaya na hindi boto ang pamilya ng kilalang personalidad sa dyowa nitong aktres kaya hindi sila umabot sa end-game?

Handang-handa na raw ang aktres ng kanyang isasagot kapag tinanong siya ng boyfriend niya dahil matagal na rin nila itong pinag-uusapan pero bigla ngang nag-goodbye sa isa't isa.

Ang kuwento ng aming source, "Totoo naman talaga na may usapan na, pero pumasok na sa usapin ang pamilya (ni kilalang personalidad) na hindi sila boto kay (aktres) kaya nag-usap sila na saka na muna.  

"Hayun kinantahan na si ____ (kilalang personalidad) ng 'I love You Goodbye'. Alam mo 'yung kantang 'yun?" sabi ng aming source na ang tinutukoy ang kanta ni Celine Dion.

At gaano rin kaya katotoo na naganap ang paghihiwalay ng kilalang personalidad at ng aktres na nataong may malaking handaan sa pamilya ng una? 

Super late raw dumating ang kilalang personalidad kaya galit na galit ang pamilya nito na feeling nila ay inuna pa nito ang aktres kaysa sa handaan nila.

Anyway, may gusto kasi ang pamilya ng kilalang personalidad para sa kanya na hindi naman nito gusto kaya ang ending kung sino ang magustuhan niya ay hindi rin gusto ng pamilya niya.

Susme, di kaya ang ending niyan ay tatandang binata si kilalang personalidad?

Sa kasalukuyan ay parehong wala pa ring karelasyon sina kilalang personalidad at aktres pero ang balita namin ay tumatanggap na ng manliligaw ang huli.

The post Pamilya ng kilalang personalidad hindi boto sa GF na aktres kaya naghiwalay appeared first on Bandera.


Pamilya ng kilalang personalidad hindi boto sa GF na aktres kaya naghiwalay Pamilya ng kilalang personalidad hindi boto sa GF na aktres kaya naghiwalay Reviewed by pinoyako on March 07, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close