Nikko Natividad kumikita ng dolyares sa pambebengga ng bashers

PINAGKAKAKITAAN ng actor-dancer na si Nikko Natividad ang patuloy na pambabatikos sa kanya ng mga netizens.
Hanggang ngayon ay binebengga ng bashers si Nikko dahil sa ginawa niyang panloloko sa kanyang asawang si Cielo Mae Eusebio.
Ito'y matapos ngang kumalat ang kanyang sex video scandal sa social media kung saan mapapanood ang pakikipagtalik sa ibang babae.
Kahit na nag-sorry at umamin na sa kanyang kasalanan ang aktor at content creator ay ayaw pa rin siyang tantanan ng mga haters at patuloy siyang binabanatan bilang cheater.
Baka Bet Mo: Misis ni Nikko Natividad sa video scandal: 'Pinipili naming ayusin'
Pero sa gitna nga ng pamba-bash sa kanya, nagpasalamat pa si Nikko sa mga netizens dahil kumikita pa siya mula sa mga ito sa pamamagitan ng pagmo-monetize sa kanyang socmed accounts.
Sa ipinost niyang litrato nila ng asawang si Cielo sa Facebook ay umani na naman siya ng sandamakmak na batikos.
"Salamat po sa mga masasakit niyong comment, don't worry hindi ako mag-off comment at pambayad din namin ng kuryente," ang mababasa sa post ng aktor.
Makikita sa screenshot na ibinahagi niya ang 9 million engagement views na kumita na ng $107.72.
Ang isa pa niyang FB post ay nakakuha 14 million views, 1.5 million engagements at may approximate earnings na $160.18.
"Sayang naman kung mag off ng comment. Kailangan din pang full tank," ang nakasulat sa kanyang caption.
Nauna nang inamin ni Nikko na siya nga ang lalaking mapapanood sa kumalat na private video sa internet at humingi na raw siya ng tawad sa kanyang pamilya.
Ayon naman sa kanyang misis, pinatawad na niya si Nikko sa kasalanan nito pero hanggang ngayon ay pinagbabayaran pa rin nito ang nagawang kalokohan.
The post Nikko Natividad kumikita ng dolyares sa pambebengga ng bashers appeared first on Bandera.

No comments: