BREAKING NEWS

Meg Imperial umalma, mga artista ‘di trabahong mang-akit ng kalalakihan

Meg Imperial umalma, mga artista 'di trabahong mang-akit ng kalalakihan

HINDI nakapagpigil ang aktres na si Meg Imperial na sitahin ang ilang mga tao na mali ang pananaw o tingin sa trabaho nila bilang artista o celebrity.

Sa kanyang Facebook post nitong Linggo, March 8, inilahad niya na hindi parte ng trabaho nila ang mang-akit ng kalalakihan.

"Being an actress or celebrity does not mean our job is to arouse men. Our work is for a much wider audience, not just for men," saad ni Meg.

Aniya, ang pagsasapubliko ng pagnanasa ng isang tao lalo na ng nga nasa gobyerno ay hinsi tama.

Baka Bet Mo: Meg Imperial nairita kay Alvin Aragon: Perfect ka?

"Private desire is one thing. Saying it out loud in public is another, especially when you are a public servant. Sabi nga, with power comes responsibility, not only in how you serve, but in how you speak," dagdag pa ni Meg.

Giit pa ng aktres, hindi sila nagdadamit at nag-aayos para sa kalalakihan bagkus para sa kanilang sarili.

"Hindi po lahat tungkol sa inyo. A woman dressing confidently is not an invitation for disrespect," sey ni Meg.

Pagpapatuloy niya, "Sana, those in power use their voice to uplift people, not to normalize remarks that reduce women to objects.

Matatandaang usap-usapan kamakailan ang mga pahayag ni Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay tungkol sa "pag-iinit" niya nang makita si Anne Curtis.

Marami sa mga netizens, celebrities, politicians, at maging ang sariling asawa ni Suntay ay nag-react at kinondena ang kanyang mga pahayag.

Isa rin sa mga kinondena ay ang abogadong si Ferdie Topacio na nagtanggol kay Suntay at sinita ang kapatid ni Anne na si Jasmine Curtis sa pagsusuot nito ng bikini.

Samantala, naglabas na rin ng pahayag si Anne at sinabing dadalhin niya sa legal na usapin ang pangyayari.

The post Meg Imperial umalma, mga artista 'di trabahong mang-akit ng kalalakihan appeared first on Bandera.


Meg Imperial umalma, mga artista ‘di trabahong mang-akit ng kalalakihan Meg Imperial umalma, mga artista ‘di trabahong mang-akit ng kalalakihan Reviewed by pinoyako on March 09, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close