BREAKING NEWS

Maxene Magalona inalala kamatayan ni Francis M: He was not perfect, but…

Maxene Magalona inalala kamatayan ni Francis M: He was not perfect, but...
Francis Magalona at Maxene Magalona

INALALA ni Maxene Magalona ang 17th death anniversary ng kanyang amang Master Rapper na si Francis Magalona.

Nagbahagi ng mensahe ang aktres para kay Francis o Kiko sa kanyang mga kaibigan at fans, sa pamamagitan ng Instagram nitong weekend.

Ilang throwback photos ang ipinost ni Maxene sa IG kalakip ang madamdaming message para sa araw ng kamatayan ni Francis last March 6. 

"Grief is just love with no place to go," ang mababasa sa caption ng nasabing post. 

Sa isa pa niyang hiwalay na post,  ibinahagi ni Maxene ang isang black and white portrait nila ng ama na may quote ng life lesson na natutunan niya mula sa namayapang singer-songwriter. 

"He told me we are all equal, we are all the same, created in the image and likeness of God. It wasn't just the words that he shared with me, it was also how he lived his life.

"He was not perfect, but he was real, he was always authentic," ani Maxene.

Sabi pa ng aktres, kahit 17 years na ang nakararaan mula nang mamaalam si Francis, tuloy pa rin  daw ang pagpapalaganap niya ng legasiyang naiwan nito.

"17 years today. Keeping your legacy alive here on earth by doing my best to embody the values you lived by. 

"I know love and peace because of you I love you forever, Pop!" pagbabahagi pa niya. 

Si Francis Magalona ay pumanaw noong March 6, 2009 sa edad ba 44, dahil sa acute myelogenous leukemia. 

Ilan sa mga pinasikat niyang kanta ay ang "Mga Kababayan," "Man from Manila," Lando," at "Ito ang Gusto Ko." 

The post Maxene Magalona inalala kamatayan ni Francis M: He was not perfect, but… appeared first on Bandera.


Maxene Magalona inalala kamatayan ni Francis M: He was not perfect, but… Maxene Magalona inalala kamatayan ni Francis M: He was not perfect, but… Reviewed by pinoyako on March 07, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close