BREAKING NEWS

LPA na lumalapit sa Visayas may posibilidad maging bagyo – PAGASA

LPA na lumalapit sa Visayas may posibilidad maging bagyo - PAGASA

MALAKI ang posibilidad na maging ganap na bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) na nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Iyan ay yon sa pinakahuling naitala ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Kaninang alas-3 ng madaling araw, huling namataan ang LPA sa distansyang 1,325 kilometro silangan ng Eastern Visayas.

Ngunit, sinabi ni weather specialist Veronica Torres mababa ang posibilidad na pumasok sa PAR ang LPA bagamat maaari itong maging bagyo sa susunod na 24 hanggang 48 oras.

Base naman sa 4am 24-hour public weather forecast, apektado pa rin ng amihan ang Luzon at malaking bahagi ng Luzon, kasama na ang Metro Manila, ang magiging maulap at posibleng makaranas ng mahinang pag-ulan.

Samantala, posible naman na makaranas ng kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas, Mindanao at Masbate dahil sa LPA.

Nagbabala ang PAGASA ng landslides at flash floods kung magiging malakas ang buhos ng ulan.

The post LPA na lumalapit sa Visayas may posibilidad maging bagyo – PAGASA appeared first on Bandera.


LPA na lumalapit sa Visayas may posibilidad maging bagyo – PAGASA LPA na lumalapit sa Visayas may posibilidad maging bagyo – PAGASA Reviewed by pinoyako on March 09, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close