BREAKING NEWS

Kris Aquino naka-bonding sina PBBM, Liza Marcos, nag-belated b-day lunch

Kris Aquino naka-bonding sina PBBM, Liza Marcos, nag-belated b-day lunch
Kris Aquino, Bongbong-Liza Marcos

MAY bonding moments sina Kris Aquino, kasama sina Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Liza Marcos!

Nagkaroon ng simpleng salu-salo sa Bahay Pangulo sa Malacañang Park para ipagdiwang ang belated birthday ng Queen of All Media noong February 14.

Ito ay inorganisa ng kilalang fashion designer na si Michael Leyva, na malapit na kaibigan nina Kris at ng First Lady.

Ayon sa mga ulat, sumaglit lang ang presidente sa nasabing gathering upang personal na batiin si Kris at makapagpa-picture, kasama si FL Liza.

Baka Bet Mo: Kris Aquino sa 'pakikipagrelasyon': Nobody should play the victim!

Sa maikling pagkikita nila, sinabi pa nga raw ni Pangulong Bongbong na mukhang bumubuti na ang kalagayan ni Kris.

Kung matatandaan, taong 2016 huling nakapunta sa Palasyo si Kris noong panahon ng administrasyon ng kanyang yumaong kapatid na si Noynoy Aquino.

Minsan na ring nanirahan si Kris sa Bahay Pangulo kasama ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby.

Noong July 2024 naman, naging usap-usapan ang dalawang anak ng dating TV host na sina Bimb at Josh matapos bisitahin ang First Lady sa Palasyo.

Magugunitang may koneksyon din umano ang pamilya nina Kris at FL Liza dahil sa extended family ties ng Araneta at Cojuangco clans. 

Samantala, kamakailan lang din nang nakalabas ng ospital si Kris matapos ang anim na linggong pananatili roon para sa gamutan.

The post Kris Aquino naka-bonding sina PBBM, Liza Marcos, nag-belated b-day lunch appeared first on Bandera.


Kris Aquino naka-bonding sina PBBM, Liza Marcos, nag-belated b-day lunch Kris Aquino naka-bonding sina PBBM, Liza Marcos, nag-belated b-day lunch Reviewed by pinoyako on March 07, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close