BREAKING NEWS

Kim Atienza sinagot  psychiatric consultations ng struggling netizen: I feel you

Kim Atienza sinagot  psychiatric consultations ng struggling netizen: I feel you

MULI na namang hinangaan ng madlang pipol ang Kapuso TV host at trivia master na si Kuya Kim Atienza matapos itong muling tumulong sa isang netizen na may kinakaharap na mental health problem.

Sa isang Threads post, nagtanong ang isang netizen na naghahanap ng psychiatrist online para magpakunsulta.

"I DMed you. Tight hug," mababasa namang sabi ni Kuya Kim sa reply section ng post ng netizen.

Ibinahagi naman ng netizen online ang screenshot ng pag-uusap nila ng Kapuso TV host.

Baka Bet Mo: Kuya Kim Atienza nagmalasakit sa netizen, inimbitahan sa Tiktoclock

Mababasa sa naturang screenshot ang pagmamalasakit ni Kuya Kim sa struggling netizen at sinabihang mag-reach sa doktor na kanyang nirekomenda.

Ipinangako rin niya na sasagutin niya ang bayad para walong sessions ng netizens sa naturang doktor.

"Please schedule a session, I will pay for the bill. Tight hug ha," sabi ni Kuya Kim.

Dagdag pa niya, "Tell me if you have an appointment na ha? Mga 8 sessions yan. Ako na bahala. I hear and I feel you. I know it's hard."

Agad namang umani ng reaksyon mula sa mga netizens ang pagmamagandang loob ni Kuya Kim.

"You know inside he still blames himself for not being able to enough for his daughter. Perhaps trying to make a difference onto others who is going through similar difficulties is his solace, to make everyday bearable," saas ng isang netizen.

Comment naman ng isa, "Maybe this is Kuya Kim's way of healing and dealing with his grief [emoji] i know tho that Emman, wherever she is, is proud of her dad."

"I love how's helping people in crisis but i hope pwople dont take advantage of that. Random people will dm me for help fo food, medicine, etc just because i posted a gcash screenshot for a donation to an animal shelter sa comment section nila. He is such a good bean i really do pray he sleeps well at night and not blame himself for his daughter sad ending," sabi naman ng isa.

Matatandaang nitong November 2025 lang nang pumanaw ang bunsong anak ni Kuya Kim na si Emman Atienza na bukas sa kanyang pagkakaroon ng mental health problem at kung paano niya ito nilalabanan.

"Choose to be kind", ito ang palaging mensahe ni Emman sa kabila ng pinagdaraanan.

The post Kim Atienza sinagot  psychiatric consultations ng struggling netizen: I feel you appeared first on Bandera.


Kim Atienza sinagot  psychiatric consultations ng struggling netizen: I feel you Kim Atienza sinagot  psychiatric consultations ng struggling netizen: I feel you Reviewed by pinoyako on March 17, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close