Kim Atienza ibinandera interview ni Emman para sa ‘PBB Collab’

MULING binalikan ng Kapuso TV host at trivia master na si Kuya Kim Atienza ang video clip ng interview ng kanyang bunsong anak na si Emman Atienza para sa "Pinoy Big Brother Celebrity Collab 2.0".
Sa kanyang Facebook post nitong Lunes, March 9, makikita si Emman na ipinapakilala ang kanyang sarili.
"Hi, I'm Emmanuel Hung Atienza, but everyone just calls me Emman. I think I'm known on social media for being an 'Englishera,'" pagbabahagi ng bunsong anak ni Kuya Kim.
Chika ng TV host, ang naturang video clip ay ibinigay sa kanya ni ABS-CBN Chief Operating Officer Cory Vidanes nang bumisita ito sa lamay ng anak.
Baka Bet Mo: Kuya Kim Atienza nagmalasakit sa netizen, inimbitahan sa Tiktoclock
Hindi naman maiwasan ni Kuya Kim ang mapaisip at mapatanong kung magiging mabuting housemate ba ang anak kung sakaling nakapasok ito sa PBB.
"Would my Emmansky be a good housemate?" caption niya sa kanyang post.
Matatandaang malungkot na kinumpirma ni Kuya Kim ang pagkamatay ng bunsong anak noong October 2025.
"It's with deep sadness that we share the unexpected passing of our daughter and sister, Emman," anunsyo niya sa pamamagitan ng isang Instagram post.
Minsan ring napatanong ang netizens na kung sakaling buhay pa ang anak ni Kuya Kim ay makakasali kaya ito sa edisyon ng "Pinoy Big Brother Celebrity Collab" ng ABS-CBN at GMA.
The post Kim Atienza ibinandera interview ni Emman para sa 'PBB Collab' appeared first on Bandera.

No comments: