BREAKING NEWS

Kean Cipriano nadamay sa blind item ni Xian Gaza tungkol sa ‘di pagbabayad ng TF

Kean Cipriano nadamay sa blind item ni Xian Gaza tungkol sa isyu ng TF
Kean Cipriano

Xian Gaza nagbabalik social media, main account binura ng Meta?MUKHANG nasa "hot water" ngayon ang singer-songwriter at aktor na si Kean Cipriano matapos i-blind item ng lalaking Marites na si Xian Gaza.

Diumano, hindi raw nito binayaran ng tamang talent fee ng mga singers na nasa pamamahala ng pag-aari nina Kean na OC Records.

Binasa namin ang lahat ng comments nang i-repost ito ng isang digital creator na Smart Bites with The Nomad at iisa ang pangalang tinutukoy, si Kean Cipriano nga raw.

Feeling namin ay mga taga-music industry sila dahil bakit may mga alam sila pagdating sa bayaran ng talent fee.

Parte ng post ni Xian Gaza, "For every 100K pesos na kinikita nila sa Youtube o Spotify, less than 10,000 pesos na lamang ang napupunta sa mga artists sa dami ng mga pautot na deductions. 

"Sa 10K na 'yon, kakaltas pa siya ng 30% bilang talent manager. Around 95% nu'ng income sa Youtube at Spotify ay napupunta sa bulsa ng ating subject tapos 'yung kakarampot na halaga ay lumalampas pa ng isang taon bago ma-release sa mga kawawang artists."

Binanggit din ang pangalan ng female vocalist na si Unique Salonga na galing pala ng grupong IV of Spades at umalis noong 2018 dahil gusto na nitong magsolo sa kanyang career at lumipat sa OC Records nina Kean Cipriano.

Matatandaang iniwan din ni Kean ang banda niyang Calla Lily dahil nga hindi magtagpo ang schedule niya sa gigs ng banda dahil abala na siya sa kanyang acting career at nagtayo na nga ng sariling record label, ito ngang OC Records.

Ang pag-alis kaya ni Unique kaya matagal na nawala ang IV of Spades at nitong 2025 lang ulit nagbalik dahil bumalik na rin si Unique sa grupo bilang bokalista nila?

Samantala, may taga-music industry ang nagtanggol kay Kean sa mga bumatikos sa kanya, ang singer-songwriter na si Ian Sison na minsan ay naging parte rin ng OC Records.

Ni-repost ni Ian ang post ng digital creator.

"Since you dropped the blind item from Xian with the picture of Kean in it. I have to defend this from you Smart Bites with The Nomad.

"Never in the history of my career have I encountered someone who is so professional about his work. I've Been around for more than a decade in the music industry to know them all (the labels). 

"And I can defend on why and how the business splits work but again, i cannot disclose it for all contracts are confidential.

"If it's really Kean C. is what Xian Gaza is referring to, with all due respect, I think they don't know how the music business works. Clearly they don't know anything about the record splits at all mentioning those percentage splits on their said post. 

"I know he may know a lot in the entertainment business but it's not enough having to know people inside the entertainment industry or in the music business means that that person knows how the music business works already.

"I am an artist, and a producer under their wing for quite some time. Ako na mismo magsasalita at magbabalita kung may lokohan na nangyayari kasi it's not really fun to be part of something na alam mong niloloko ka. 

"Hanapan ko man, sad to say, wala po talaga akong mahanap. All those guys do together with their team is hustle and give artists a chance in the industry.

"I know he might be difficult to understand, people may find him difficult to be with or work with. But he is very clear and professional when it comes to work. 

"A lot of you might not like his personality at all, I on the other hand don't have the same vibe like kean. For years of learning & working alongside their team, all that dude did was to help to be frank. He's not perfect, yes.

"To some people he might be difficult to work with, maybe. To my experience it's the opposite.

"About the 95% percentage share they mentioned on their post, it's very clear na mali ang detalye ng pagkakasabi. I know this from the truth kasi I know the splits well and if there is something wrong with the splits, ako na mismo ang magque-question kasi katulad ng iba, ayaw ko din ng niloloko ako. We all are right?

"Anyway, I am here not to push hate or the clout. I'm too old for those things. But I am here to defend about what is right to someome I know and to have the opportunity to work with na wala naman talagang ginagawang masama sa industriya.

"Anyway I am addressing this not to Xian Gaza kasi wala namang sinabi si sir Xian na si Kean yon. But I am addressing this sa post ng isang unknown page na may mukha ni Kean C. yon lang po. Pagmamahal lagi (praying hands emoji)."

Anyway, nagtanong kami sa taga-OC Records tungkol dito at sabi sa amin, "Kung si Kean man, hindi ko alam kung ano ang hugot niya."

Binanggit namin na si Gaza ang kinokontak ng mga may reklamo sa career nila at 'yung iba ay sadyang pinapa-blind 'yung mga artista either para aware ang mga partners kung meron man.

Binanggit namin ang pangalan ni Unique na umano'y hindi raw nabayaran nang tama kaya umalis.

Sagot sa amin, "Nababayaran sila nang tama base sa mga pinirmahan nila."

Dagdag pa, "Maayos naman ang pag-alis niya sa amin."

Naanong namin kung bakit maraming nagsabing P10,000 na lang ang natatanggap sa kinitang P100,000 sa streaming platform?

Hindi kami nasagot na tungkol dito at sinabihan kaming tatawagan kami pero hindi nangyari hanggang tapusin namin ang balitang ito.

Bukas ang BANDERA sa kampo ni Kean Cipriano tungkol dito.

The post Kean Cipriano nadamay sa blind item ni Xian Gaza tungkol sa 'di pagbabayad ng TF appeared first on Bandera.


Kean Cipriano nadamay sa blind item ni Xian Gaza tungkol sa ‘di pagbabayad ng TF Kean Cipriano nadamay sa blind item ni Xian Gaza tungkol sa ‘di pagbabayad ng TF Reviewed by pinoyako on March 08, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close