Jake Cuenca sa ending ng Batang Quiapo: Ibang klase talaga si Direk Coco!

HINDING-HINDI malilimutan ni Jake Cuenca sa buong buhay niya ang hit action-drama series ng ABS-CBN na "FPJ's Batang Quiapo".
Sa nalalapit na pagtatapos ng seryeng pinagbibidahan at idinirek ni Coco Martin, siniguro ni Jake na ikaka-shock ng mga manonood ang ending nito.
Para kay Jake, ang pagganap niya bilang Miguelito Guerrero sa serye sa long-running primetime series ng ABS-CBN ang pinakamahirap at pinaka-challenging sa mga ginawa niyang role.
"Every single time na magkasama kami ni Direk Coco Martin, iba siya talaga. Kaya kong sabihin ngayon pa lang na abangan ninyo ang ending ng 'Batang Quiapo.' Pinaghirapan po namin ito pinagpawisan, pinagduguan para po sa lahat ng manonood.
"For the loyal viewers ng Batang Quiapo, magkita-kita po tayo sa finals," saad ng premyadong aktor sa ulat ng ABS-CBN.
Patuloy pa niya, "To be honest with you, parang the whole experience was a challenge," he said. "Pero more than the feeling of a challenge, parang excited ka lagi pumunta sa set.
"Looking back on all the taping days and all the scenes that I've done, there was not one day na hindi ako excited and there was not one day I wasn't having fun in the show," sey pa ng aktor.
Ang isa pa raw sa nagpadagdag ng challenge kay Jake ay nang magkasabay ang pagte-taping niya ng "Batang Quiapo" at ng isa pa niyang serye na "What Lies Beneath" kung saan magkaibang-magkaiba ang kanyang mga karakter.
"I had to juggle two roles at the same time. MWF, 'Batang Quiapo,' then TThS, 'What Lies Beneath.' So for me, it was really about having to compartmentalize two very different roles.
"I think the growth was proving to yourself na kahit marami kang pinagdadaanan, or even if you're going through problems in your life, you still have to do it anyways. You still have to muster the energy to go to the set," sey ng aktor.
At ngayong malapit na ngang magpaalam ang kanilang programa, "Right now, it's just a feeling of 'wow.' I just crossed the finish line and I can finally be Jake Cuenca again."
Sa tanong kung ano talaga ang major-major reason sa pagtanggap niya sa buwis-buhay niyang role sa serye, "Coco Martin. Of course, Direk Coco Martin. I'm always one call away for my best friend. Kahit ano pa man role 'yan, I'm ready to answer the call.
"I'm just so happy that I was able to do it. And I'm so grateful for 'Batang Quiapo' for choosing me as Miguelito Guerrero," sey pa ni Jake Cuenca.
The post Jake Cuenca sa ending ng Batang Quiapo: Ibang klase talaga si Direk Coco! appeared first on Bandera.

No comments: