BREAKING NEWS

Inka Magnaye hiwalay na sa dyowang DPWH engineer, pumalag sa bashers

Inka Magnaye hiwalay na sa dyowang DPWH engineer, pumalag sa bashers

HINDI na napigilan ng social media personality at voice over artist na si Inka Magnaye ang magsalita at pumalag sa mga bashers na patuloy siyang kinakastigo online.

Sa kanyang Instagram post kamakailan ay ibinahagi niya ang lumang video na may petsang December 17, 2025 kung saan mapapanood ang sariling umiiyak.

"December 17, 2025, isolated, living away from friends and family, unsupported, alone, rock bottom, lost work, ended relationship," saad sa text na nakasulat sa video clip ni Inka.

Samantala, hindi naman na idinetalye pa ng dalaga ang dahilan ng kanilang paghihiwalay pati na rin ng pagkawala ng trabaho.

Baka Bet Mo: Inka Magnaye, dyowang engineer  iniuugnay sa isyu ng DPWH; rumesbak! 

Ipinakita rin sa video ni Inka ang kanyang pagbabago matapos ang tatlong buwan buhat nang kunan ang sarili na umiiyak.

Aniya, nabawi na niyang muli ang kanyang "spark" bilang isang babae.

"Surrounded by friends and family, back on medications, regular therapy, regular workout routine, focusing on rebuilding work, prioritizing myself," lahad ni Inka sa sumunod na bahagi ng clip.

Samantala, mukhang napuno na rin ang social media personality sa mga natatanggap na pambabatikos kaugnay sa kanyang dating karelasyon na nauugnay umano sa kontrobersyal na flood control issue na natuklasan noong 2025.

Sa kabila ng pagsasalita noon para sagutin ang isyu ay ayaw pa ring tantanan si Inka ng mga netizens.

"First of all, [it] would be nice if you stopped reminding me about my ex. Second, imagine na 'yung ex ko 'yung na-accuse, pero sakin napunta ang lahat ng hate na parang ako 'yung nag-ta-ttrabaho dun sa DPWH? Na parang ako 'yung nag-co-control ng galaw ng ex ko na hindi naman kami kasal?

"Third, nag-post ako about it. Porket 'di mo nakita,' di ibig sabihin hindi ako nag-post. Fourth, wala akong magagawa kung 'yan na ang opinyon mo sa akin, pero kung magagalit ka sa corruption, dun ka magalit sa kanila. Ni shopping haul video o mga branded na items wala ako, pero 'yung galit niyo sakin, parang ako 'yung nagnakaw," diretsahang sagot ni Inka sa netizen na nagkomento ng negatibo sa kanya.

Samantala, sa hiwalay na Instagram story nilinaw niyang hindi siya "spokesperson" ng kanyang ex-dyowa na si Mat Crespo kaya kung may mga reklamo sa kanya ay dapat personal itong iparating kay Mat at huwag sa kanya lalo pa't hiwalay na sila.

"You have a problem with my ex working in the government? Take it up with HIM, not me," aniya.

Dagdag pa niya, "He's a grown man and he can tell you himself. I'm not his spokesperson, I'm not his wife, I'm not his keeper, I'm not his caretaker," sey ni Inka.

Ipinunto rin nita ang nakikita niyang double standard, kung saan may ibang taong konektado sa mga kontrobersyal na indibidwal ang hindi naman nakararanas ng parehong antas ng batikos na natatanggap niya.

"There are people out there who are friends with the children of corrupt contractors, but you've already let them live their lives. So why keep punishing me for an accusation that wasn't even directed at me?" buwelta ni Inka.

Sa pagtatapos ng kanyang pahayag, mariin niyang sinabi: "I'm fkn done with this."

The post Inka Magnaye hiwalay na sa dyowang DPWH engineer, pumalag sa bashers appeared first on Bandera.


Inka Magnaye hiwalay na sa dyowang DPWH engineer, pumalag sa bashers Inka Magnaye hiwalay na sa dyowang DPWH engineer, pumalag sa bashers Reviewed by pinoyako on March 17, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close