BREAKING NEWS

House Speaker Bojie Dy handang makipag-usap NUP

6 sa bawat 10 Pilipino ayaw sa 'Kapamilya Inc' sa gov't positions

Nagpahayag ng kahandaan si House Speaker Faustino "Bojie" Dy III na makipag-usap sa lahat ng mga kongresista.

Sinabi ito ni Dy matapos ianunsiyo ni Deputy Speaker Ronnie Puno ang plano ng kanilang National Unity Party (NUP) na kumalas na sa mayorya sa Kamara dahil hindi nila nagugustuhan ang pamumuno ni Dy.

"My door is always open to our colleagues in the House. The strength of this institution lies in our ability to talk openly, resolve concerns constructively, and work together despite differences," sabi pa ng house speaker.

Baka Bet Mo: Bojie Dy nanindigan: Walang singit sa 2026 budget

Aniya ang mga mambabatas ay binibigkis ng isang hangarin at isang responsibilidad at ito anya ang maayos na makapagsilbi sa sambayanan.Hinikayat niya ang mga kapwa mambabatas na patuloy lamang silang mag-trabaho dahil sa mga kasalukuyang hamon na kinakaharap ng bansa.

Simula po noong ako ay maging Speaker, malinaw ang ating direksyon na ang kapakanan ng sambayanan ang laging mauuna," diin ni Dy.

The post House Speaker Bojie Dy handang makipag-usap NUP appeared first on Bandera.


House Speaker Bojie Dy handang makipag-usap NUP House Speaker Bojie Dy handang makipag-usap NUP Reviewed by pinoyako on March 17, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close