Heart Evangelista rumampa sa Paris Fashion Week nang walang bra: PAK!

RAMPA kung rampa nang walang bra sa Paris Fashion Week ang Kapuso actress at global fashion icon na si Heart Evangelista.
Pinusuan at umani ng samu't saring comments mula sa madlang pipol ang mga litrato at video ni Heart kung saan halos bumuyangyang na ang kanyang boobs.
Sa isang Facebook post, makikita ang pag-awra at pagrampa ng Kapuso star sa naturang fashion event suot ang kanyang agaw-eksenang OOTD na see-through backless top.
Habang naglalakad at nagpapa-picture ang asawa ni Sen. Chiz Escudero ay talaga namang masisilip ang pisngi ng dibdib ng aktres na parang any moment ay maghe-hello na mula sa kanyang revealing dress.
Maririnig naman ang tugtog na "Primadonna" ni Marina bilang background music. Aniya sa caption, "Just enough edge to keep it interesting."
Narito ang ilan sa reaksyon ng mga netizens sa pasabog na OOTD ng Kapuso actress.
"How i wish i can wear what she wearing for just a day and walk like her."
"Only Heart can think of something like this! Concept."
"Ang ganda na, ang sexy pa at luxurious ng datingan talaga"
"Di Siya mahal ni chiz pag walang argument na nangyari pag Nakita niya to."
"Omgggggg. This is another level of conceptualizationisssmmmm. GANITOOOOOO ANTEEENGGGG!!!!"
"Age is just a number, you're on fire!"
"Edge ng styling ni Heart Evangelista feels powerful."
"Apa ka Hot!"
"Fashion is not just about clothes, it's about confidence. love the strut."
The post Heart Evangelista rumampa sa Paris Fashion Week nang walang bra: PAK! appeared first on Bandera.

No comments: