Eman Pacquiao ‘basted’ na nga ba kay Jillian Ward?

USAP-USAPAN ngayon sa social media kung nagkaroon na nga ba ng katapusan kahit hindi pa nagsisimula ang namamagitan sa Sparkle artists na sina Eman Pacquiao at Jillian Ward.
Marami kasi sa mga netizens ang nakapansin sa pagbabago ng bio ng boksingero sa kanyang TikTok account.
"my one and only account
Sorry I don't post much here
JW [heart emoji]
Philippians 4:13 I can do all things throu
Christ who strengthens," ito ang bio noon ni Eman.
Ngunit agad na napansin ng mga matanglawing netizens ang pagkawala ng "JW" sa naturang bio.
Baka Bet Mo: Eman Bacosa Pacquiao ganap nang Sparkle artist, mas mapapalapit kay Jillian Ward?
Agad namang pinag-usapan sa social media ang pagbabago sa TikTok ni Eman dahilan para magsuspetya ang netizens na mukhang may problema sa pagitan nila ni Jillian Ward.
Well, aware naman siguro ang nakararami na crush ng binata ang Kapuso actress at lately ay madalas silang mamataan together bagay na ikinakilig mg kanilang fans.
Saad ng isang netizen, "dapat payaman muna si Eman at pagaling sa boxing same sa daddy nya, pag kaya na nya ibook- este regaluhan si JW ng 1M a night, bitawan na ni manong Chavit yan pag nagsawa na, marami parin namang bagong usbong na bebegurls dyan eh."
"Halata naman hindi siya type ni jillian, nag fan service kasi agad si atecco," comment naman ng isa.
Sabi naman ng isa, "Naawa naman ako, ginamit lang ni Jillian obviously.. Ang fake ng atake ni girl, sobrang pr moves."
Mas lalo pang umugong na baka wala na talagang chance ang dalawa matapos mag-share ng cryptic post si Eman.
"I can fight 100 men who wants you but I can't fight a guy who you want," makikita sa kanyang shared post.
Samantala, wala pa namang pahayag si Jillian hinggil rito.
Wala pa ring paglilinaw si Eman kung ano ang kwento sa likod ng pagbabago ng kanyang bio at cryptic post.
Bukas naman ang BANDERA para sa paglilinaw ni Eman hinggil sa isyu.
The post Eman Pacquiao 'basted' na nga ba kay Jillian Ward? appeared first on Bandera.

No comments: