Dulaang UP patuloy na pinalalakas talentong Pinoy; OFWs ibibida sa bagong show

PATULOY na naging pugad ng mga talentong Pinoy sa teatro ang Dulaang Unibersidad ng Pilipinas (DUP) sa loob ng halos limang dekada, simula nang itatag ito ng National Artist for Theatre na si Tony Mabesa.
Marami sa kanilang alumni at dating collaborators ang nagpatuloy sa kani-kanilang landas sa creative at entertainment industry, habang ang ilan ay nag-explore din sa iba pang larangan.
Sa ika-48th Theatre Season na may temang "Paano umuwi nang may pagpapasya?", tinitingnan ng DUP ang kahalagahan ng intentional na pagbabalik sa sariling pinagmulan.
Kasabay ng papalapit na ika-50th season, binibigyang pugay ng kumpanya ang legacy ni Sir Tony sa pamamagitan ng kanilang first-ever all student-led twin-bill production, "Para Kay Tony: Tungo sa Ginintuang Alaala," bilang tribute sa National Artist for Theatre.
Baka Bet Mo: 'Ang Kaliitan ng Kasalukuyan' ng UP ibabandera ang buhay, sakripisyo ng OFWs
Hindi rin nagpapahuli ang DUP sa pagbukas ng espasyo para sa kanilang mga estudyante.
Kasalukuyang inihahanda ang revival ng UP Playwrights' Theatre, ngayon ay kilala bilang DUP Playwrights sa ika-29th Theatre Season, ang "Ang Kaliitan ng Kasalukuyan" na isinulat at idinirek ng multi-awarded playwright at returning alumni na si Arlo Deguzman.
Itinatampok sa obra ang buhay at sakripisyo ng ating modernong bayani, ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Dito, nakikita ang frustrasyon ng ama sa walang katapusang remittances, ang ina na nagnanais maging makabuluhan ang sakripisyo, ang kapatid na nakikipag-ayos sa pangakong magkakalayo, at ang anak na nagdadala ng tahimik na pasanin.
Sa pamamagitan ng galaw at tula, inihahatid ng DUP ang mensahe ng ugnayan at kahalagahan ng "homecoming."
Sa produksyon, makakasama ng mga estudyante ang mga professional at alumni tulad nina Sandino Martin, Tess Jamias, Fermin Villegas, Sheryll Ceasico, Marichu Belarmino, Jojo Cayabyab, Hazel Maranan, Domileo Espejo, at Mitzie Lao.
Ang kasalukuyang artist-scholars tulad nina Kerr Allen, Angel Manansala, Raymond Aguilar, Julianne Quimio, Ralph Onrubia, Janae Delos Santos, at Cy Guerrero ay lumilikha rin ng kani-kanilang imprint sa creative process.
Ang artistic team ay binubuo rin ng alumni at bagong collaborators, kabilang sina Angel Dayao (Music & Sound Design), Neil Shane Alcain at Jisu Jang (Puppetry Design), Jonas Gabriel Garcia (Dramaturgy), Kirby Dunnzell at Dan Wesley (Movement), Aaron Misayah (Scenic Design), Tilda Oreta (Costume), Third Salamat (Lighting), at Jada Bartolome (Projection Design).
Magaganap ang palabas mula March 12 hanggang 29 sa IBG-KAL Theater, UP Diliman tuwing Huwebes at Biyernes: 7:30 p.m.; Sabado at Linggo: 2:30 p.m. at 7:30 p.m.
Ang tickets ay pwede bumili sa Ticket2Me at narito ang presyo:
- P1,000 Regular
- P800 PWD / Senior / Non-UP Students
- P700 OFWs (ticket transferable)
- P650 UP Students & Employees (Fri–Sun shows)
- P550 UP Students & Employees (Thu shows)
The post Dulaang UP patuloy na pinalalakas talentong Pinoy; OFWs ibibida sa bagong show appeared first on Bandera.

No comments: